PINAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang muling pagpasok ng foreign nationals sa Filipinas.
Nagdesisyon ang IATF, simula sa Disyembre 17, 2020, ang maaaring makapasok sa bansa ay ang mga dati nang nagtutungo na may balido at kasalukuyang visa sa ilalim ng Section 9(e) and 9(g) ng Commonwealth Act No. 613.
“Those who have valid and existing visas , as amended, who are already in the country and will be leaving the country starting December 17, 2020,” ayon sa statement ng IATF.
Gayunpaman, nilinaw ng IATF na daraan pa rin sa tamang protocol ang pagtanggap sa mga dayuhan at titingnan ang kanilang travel documents gaya ng petsa sa kanilang visa, pre-booked quarantine facility; pre-booked COVID-19 testing sa laboratory sa airport; at kung pasok sila sa maximum capacity bilang inbound passenger mula sa date of entry.
Inatasan na rin ng IATF ang Bureau of Immigration na magbigay ng guidelines at direktiba para sa implementasyon ng naturang resolusyon na mauunawaan ng foreign nationals. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.