PINAGHAHANDA na ng Joint Task Force COVID Shield ang lahat ng all police commanders sa napipintong muling pagbubukas ng turismo sa kanilang mga Areas of Responsibility (AORs).
Dahil dito, inatasan ni P/Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield, ang lahat ng police commanders na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa kanilang mga nasasakupan na bumalangkas ng plano kaugnay sa posible re-opening ng tourist spots.
Kasunod ito ng pagbubukas ng Tagaytay City at Baguio City sa local tourism na maaring magsilbing inspirasyon sa ibang LGUs na magbukas din ng kanilang borders sa local tourists na layong pasiglahin ang local economy na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
“Early planning is essential in the success of local tourism. As police commanders, we have the obligation to ensure that there must be a balance between the revival of the local economy and the health safety of the people in this time of pandemic,” ani Eleazar.
Aniya, hindi na maiiwasan ang muling pagbuhay sa lokal na turismo sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19 para sa pagbangon ng ekonomiya na lubhang naapektuhan sa nakalipas na anim na buwan.
Kaya’t paalala ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, dapat ang local tourism ay umaayon sa existing guideline ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) at National Task Force on COVID-19 na pinamumunuan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Gayundin, nakipag-ugnayan na rin ang DILG kay Tourism Secretary Berna Romulo Puyat para sa muling pagbubukas ng Boracay.
Base sa IATF guidelines, tanging ang mga area na nasa ilalim ng MGCQ at lower quarantine status ang pinapayagang magbukas ng kanilang borders para sa turista. VERLIN RUIZ
Comments are closed.