Real estate industry in the Philippines

BAGO  nagkaroon ng hindi inaasahang pandemya, inaasahang mas lalago pa ang real estate sector sa bansa dahil lumulobo na rin ang populasyon.

Nang matapos ang pandemya, lalong nagkaroon ng demand sa pagkakaroon ng bahay dahil sa paglaganap ng e-commerce activities at supply chain optimization, pati na rin ang nausong wfh o work-from-home. Sa totoo lang, maraming Metro Manila workers ang umuwi sa probinsya at nagtrabaho na lamang sa loob ng kanilang sariling silid na pinalagyan ng malakas na aircon. Mas convenient nga naman ito, at kahit pa mas malaki ang bayad sa kuryente, waka naman silang babayarang bahay at transportation fees. Sa madaling sabi, mas nakatipid pa sila.

Sa ngayon, napakagandang mag-invest sa real estate sa Pilipinas, lalo na sa probinsya. Una, dahil mura. Affordable ang lupain dito kumpara sa ibang bansa, at marami pang well-funded developers para mas mapaganda ang investment environment. May mga licensed and unlicensed investors ding pinapayagang masg-participate sa market.

Kapag real property ang usapan, malamang, bahay at lupa ‘yon. Minsan, condominium – pero kadalasan, bahay at lupa talaga, at iyan ay ayon sa Article 415 of the Civil Code of the Philippines na nagsasabing anumang uri ng immovable property o hindi nagagalaw na pag-aari. Syempre, Filipino citizens ang pwedeng magkaroon ng real property sa Pilipinas — in general, at mga korporasyon o partnership, na ang 60% ng shares ay pag-aari ng Filipino, liban na lamang sa ilang exceptions: kapag nabili ang lupa at bahay bago pa naaprobahan ang1935 Philippine Constitution. Halimbawa na lamang – ang mga Adamapolous na Greek ang nationality ngunit siya na ngayong may-ari ng Adamson University. Nasa Pilipinas na sila noon pang 1800s kaya legal ang pagmamay-ari nila sa kanilang mga lupain, pati na ang pagmamay-ari nila sa buong compound ng Adamson University pati na ang kanilang mga tahanan.

Ang pinakakaraniwang klase ng real estate ay residential, na tinitirhan ng isa o mahigit pang tao o pamilya. Normal kasi sa mga Filipino na magsama-sama sa iisang bahay ang ilang pamilya, lalo na kung malaki ang bahay.

Ngunit, take note pa ring napakaraming taong nakatira sa lansangan dahil wala silang maituturing na tahanan. Sabi nga ng iba diyan, ‘mabuti pa ang posporo, may bahay’, ang tao, nasa ilalim ng tulay. Ganyan po talaga ang buhay.