Maganda raw investment ang lupa. Wala kasing lugi. Taon-taon kasi, tumataas ang presyo ng lupa.
Ngunit mahalagang magkaroon ng standardized theory for real estate investment, dahil magbibigay ito ng solid foundation of principles, strategies, at mga tools na magagamit ng investors para makapag-navigate sa kumplikado at pabago-bagong real estate market. Sure, mahalaga rin ang theory, pero nangangailangan din ang successful real estate investment ng willingness na matuto, mag-adapt, at gamitin ang mga natutuhang prinsipyo. Matutong balansehin ang teyorya at mag-practice para ma-achieve ang long-term success sa real estate investment.
What I am trying to say is, huwag basta bili lang ng bili ng lupa. Siguruhin munang wala itong sabit, tulad ng baka kalamaan pa ang titulo — yung mother title, nakapangalan pa sa namatay na lolo at lola at marami palang anak na kailangang pumirma. O kaya naman, baka CLOA awardee ang may-ari pero hindi pala nagbabayad ng amilyar.
Maraming problema sa pagbili ng lupa kaya hindi basta-basta ang real estate investment. Remember, milyones ang halaga nito at sayang naman ang pera mo kung mabubudol ka lang.
Pero kung marunong kang pumili ng bibilhin, aba, baka maging milyunaryo ka in the long run. Pwede mo itong patayuan ng bahay na paupahan o kahit hayaan mo lang nakatiwangwang ng ilang taon at ibenta mo uli sa mas mataas na halaga.
Tulad nga ng sinabi namin kanina, kung kaya mong maglaro sa real estates, yayaman ka talaga. Magkaroon ng proactive approach, laging maging well-informed, at mag-isip ng tamang estratehiya kung paano mama-maximize ang biniling lupa.
Sa huli, makikita mong medyo magulo talaga ang economic world pero kaya mo itong sabayan.
Sa totoo lang, napakagandang negosyo ang real estate investment kung kaya mong sakyan ang mga problema nito.
JAYZL V. NEBRE