TINAASAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang real estate loan limit ng universal at commercial banks upang mag-infuse ng mas maraming liquidity sa real estate lending.
Sa isang statement, sinabi ng BSP na itinaas ng Monetary Board ang real estate loan limit ng universal at commercial banks sa 25 percent mula sa 20 percent.
“The increase translates to additional liquidity for real estate lending amounting to around P1.2 trillion based on end-March 2020 numbers,” sabi ng central bank.
Sa ilalim ng BSP regulations, ang real estate loan limits ay itinakda upang mabantayan laban sa asset bubbles sa property sector.
Nauna na ring ibinaba ng central bank ang interest rates para sa cumulative 175 basis points ngayong taon, gayundin ang reserve requirement para sa mga bangko para magdagdag ng liquidity at tulungan ang mga bangko sa gitna ng during COVID-19 pandemic.
Ang 50-basis point cut noong Hunyo ay nagbaba sa interest rates sa record low na 2.25 percent.
Comments are closed.