REAL ESTATE SA ILANG LUNGSOD NAGMAHAL DAHIL SA MGA DAYUHAN

REBAP

NAGMAHAL ang halaga ng real estate sa ilang lungsod sa Metro Manila dahil sa pagdami ng mga Chinese na umuupa sa mga condominium, ayon sa isang grupo ng real estate broker.

Ayon kay Real Estate Brokers Association of the Philippines (REBAP), nagmahal ang real estate sa Pasay, Parañaque at Makati dahil sa mga Chinese na may kakayahang magbayad ng upa at hindi rin umano nagrereklamo kahit pa tumaas ang halaga ng upa.

Umaabot sa P50,000 ang upa sa isang one-bedroom condominium.

“Foreigners can afford the rent prices in those areas, especially in the areas where the gaming establishments are,”  pahayag ng REBAP.

Karamihan umano sa mga Chinese na umuupa sa mga naturang lungsod ay mga empleyado ng online gambling operators.

Marami sa mga kliyente ng mga ito ay taga-China rin.

Nasa 57 Philippine online gambling operators ang binigyan ng lisensiya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation para mag-operate.

Nauna nang kinuwestiyon ni Sen. Franklin Drilon sa isang Senate hearing ang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nasa 25,000 working permits ang naibigay ng Department of Labor and Employment sa mga dayuhan.

Ayon kay Drilon, kawawa ang mga Pinoy na walang makuhang trabaho sa bansa.

Comments are closed.