REAL SCORE KINA PAULO AT JANINE IRE-REVEAL AFTER PALAWAN TRIP

HINDI matigil ang mga espekulasyon sa magandang samahan nina Kapamilya actress Janine Gutierrez at co-actor na si Paulo Avelino. Magkasama kasi ngayon ang dalawa sa Palawan kasama ng real life sweethearts na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Matatandaang inamin ni Paulo na si Janine lang ang hinihintay niya at liligawan niya ito. Tiyak na lalong mapapalapit ang dalawa sa isa’t isa dahil magkakasama sila sa US concert tour ni Ogie Alcasid na  ‘OA sa Love in the USA.’  Halos three weeks silang magkakasama.

Ilan sa mga fans ng Paulo-Janine ‘love team’ ang tiyak na hindi papalampasin ang pagkakataong mapanood ang kanilang mga idolo. Kaya huwag na kayong magulat kung sa pagbalik nina Janine at Paulo ay aminin na nila ang real score sa kanilang dalawa.

 

MEL SARMIENTO BINITBIT LAHAT NG REGALO NI KRIS

Last week pa trending topic sa social media ang breakup ng actress-TV host na si Kris Aquino at  Mel Sarmiento at hindi pa rin ito humuhupa lalo’t hindi maka-move sa mga fans ni Kris sa nangyari.

Lalo silang mag-aalburoto kapag napatunayang totoo ang chikang isa sa ikinagalit ni Kris sa kanyang ex-fiance ay dahil dinala diumano nito ang mga branded shoes/clothes na ibinigay sa kanya ng Queen of All Media.

Very generous naman talaga sa kanyang ex-boyfriends ang ina nina Joshua at Bimby. She would give them a “maleta” full of “pasalubong” sa tuwing bumibiyahe siya from other countries. At ganun din din daw si Kris ka-generous kay Mel kung saan the latter had received several branded items from the actress-host. Naimbyerna raw si Kris dahil binitbit ni Mel ang mga branded items na binigay niya dahil binunyag niyang ginamit lang niya si Kris. Akala raw ni Kris, he left those gifts para maibigay sana sa mas nangangailangan.

DENNIS PLAYS HOUSEBAND TO JENNYLYN

Two weeks na isolated ang celebrity couple na sina Jennylyn Mercado and Dennis Trillo kaya feeling nila, nasa honeymoon uli sila. Nagpositibo kasi sa Covid-19 ang lahat ng mga kasama nila sa bahay bukod sa anak ni Jen na si Jazz.

Pagpasok daw ng Bagong Taon, magkakasunod na tinamaan ng Covid-19 ang kanilang mga kasambahay kaya nag-decide silang lumipat sa isang condo unit para hindi mahawa lalo na si Jen na nasa maselang pagbubuntis.

Hindi nila isinama si Jazz dahil  may duda silang carrier din ito ng virus  dahil nag-positive din sa Covid ang kanyang yaya.

Six months preggy na si Jennylyn sa first baby nila ni Dennis kaya ibayong pag-iingat talaga ang kailangan niyang gawin. Bago sila umalis ng bahay ay siniguro nilang naka-isolate si Jazz sa mga nag-positive at nakatutok sila palagi sa video call para alamin ang kalagayan ng mga household members.

At siyempre pa, since preggy si Jen at maselan ang kanyang pagbubuntis, si Dennis ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay. ###