NUEVA VIZCAYA-PATAY ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) matapos na umanong manlaban sa mga awtoridad habang sinisilbihan ng mandamiento de aresto sa Kimbutan, Dupax Del Sur.
Nakilala ang nasawi na si Rommel Tucay, may mga alyas na Ka Isaac, Ka Sining at Ka Lester, 41 anyos at residente ng San Jacinto, Pangasinan, at secretary ng KLG Sierra Madre ng New People’s Army (NPA).
Kabilang sa mga kaso nito, ang dalawang counts ng murder with multiple frustrated homicide at kasong homicide na isinampa sa RTC Branch 91 at Branch 96 sa Baler, Aurora at isa pang kasong attempted homicide sa MTC Pantabangan, Nueva Ecija.
Nagpaputok ng baril si Tucay sa mga kasapi ng 71st MICO, 73rd Division Reconnaissance Company (DRC), 84th Infantry Battalion Philippine Army at Dupax Del Sur Police Station na nagsilbi ng mandamiento de aresto.
Ayon kay P/Col. Ranser Evasco, Provincial Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), nanghihinayang siya kay Tucay dahil sa mayroon pa umano itong pagkakaton na makapag bagong buhay. IRENE GONZALES
Comments are closed.