PALAWAN-ISANG kasapi ng communist terrorist group ang napatay ng mga elemento ng 3rd Marine Brigade, Philippine Marines sa ikinasang focus military operation ng military laban sa mga teroristang grupo na nagresulta sa recovery ng ilang matataas na kablibre ng baril sa Sitio Bayugon, Brgy Tinitian, Roxas.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Philippine Marine commandant sa Fort Bonifacio Marine Headquarters sa Taguig City, Metro Manila, kasalukuyang nagsasagawa ng combat patrol operation ang 3rd Marine Brigade sa Sitio Bayugon, Brgy. Tinitian, nang masabat nila rebledeng New People’s Army bandang alas-4:20 nitong nakalipas na linggo.
Sa ulat pinaniniwalaang bukod sa nasawing terorista ay marami pa ang mga nasugatan mula sa hanay ng mga nalalabing kasapi ng Bienvenido Vallever Command dahil sa dami ng dugong nagkalat sa encounter site.
Tumagal ng may 20 minuto ang bakbakan habang samu’t saring armas at bala ang narekober.
Ayon kay Col. Larida ang enkuwentro ay resulta ng kanilang “careful planning” base sa impormasyon ibinigay sa kanila ng mga naninirahan sa barangay.
Ibinigay naman ng mga sundalo ang bangkay ng CNT member na kinilalang si Arimel Padilla Rodriguez @ Azumi Local Government Unit ng Roxas, Palawan para sa proper disposition at mabigyan din ng maayos na libing ng mga kamag anak. VERLIN RUIZ