MISAMIS ORIENTAL- SINAMANTALA ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang pagsiklab ng labanan sa Brgy. Abunda, Magsaysay at nagsitakas ang mga ito.
Ayon kay Misamis Oriental Provincial Police Office Director Sr. Supt Rolando Destura, tumagal ng mahigit isang oras ang engkuwentro.
Nagkaroon pa ng augmentation force mula sa mga pulis.
Dahil sa pinagsanib na puwersa ng PNP at AFP, tumakas ang 30 mga NPA kung kaya’t hinigpitan nila ang pagpapatupad ng checkpoint.
Wala namang naitalang casualties sa panig ng militar at wala ring nadamay na mga sibilyan sa naturang engkuwentro.
Unang sinalakay ng mga rebelde ang mga sundalo na nagpapahinga sa nasabing lugar matapos magsagawa ng combat patrol.
Inaalam pa ng pulisya kung anong grupo ng NPA ang nakaengkuwentro ng militar. EUNICE C.
Comments are closed.