REBELDENG MAY KASONG MURDER TIMBOG

MASBATE-LAGLAG sa ikinasang law enforcement operation ng PNP-Police Regional Office 5 ang isang kumpirmadong kasapi ng communist New People’s Army na may kasong murder sa lalawigang ito.

Kinilala ni Bicol PNP chief Brig General Jonnel Estomo ang nadakip na si Jurly Cuyos y Dometita, matapos ang ikinasang manhunt operation ng Masbate City Police Office katuwang ang CI Team RPSPU5/ PSPG at IOPs Masbate MARPSTA.

Ayon sa Masbate Police Provincial Office, si Jurly Cuyos ay miyembro ng Larangan 1 KP4-Larangan Guerilla North Masbate sa ilalim ng command ni Eddie/Arnold Rosero alyas Star.

Nahaharap si Cuyos sa kasong murder batay sa ipinalabas na warrant of arrest ng RTC, Branch 44, Masbate City nitong Pebrero 16.

Noong Mayo 18, 2021, pinagbabaril umano nito ang biktimang si Joseph Vicente y Manlapaz na nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan na nag resulta sa multiple organ failure at agaran nitong pagkamatay.

Ang korte at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado. VERLIN RUIZ