ISABELA-ARESTADO ang isang dating miyembro ng Philippine Army matapos na masamsaman ng droga sa Barangay Alibagu, Ilagan City, ng nabanggit na lalawigan.
Nagsagawa ng drug buy bust operation ang pinagsanib na puwersa nang Ilagan City Police Station at ang Philippine Drug Enforcement (PDEA) Region-2 Northen Isabela, na nagresulta ng pagkakaaresto kay Randy Reccion, 49, at kasalukuyang driver ng LGU Ilgan City at residente ng Osmeña, Ilagan City
Nakumpiska sa suspek na si Reccion ang anim na sachet ng hinihinalang shabu, isang cellphone at buy bust money at motorsiklo na umano’y siyang ginagamit sa kanyang transaksiyon sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
Napag-alaman ng PILIPINO Mirror kay Reccion, na ipinadala lamang umano sa kanya ang droga at iniutos na ibenta sa kakilala ngunit nagulat siya dahil mga awtoridad ang kanyang katransaksiyon.
Napag-alaman pa at inamin ng suspek na natanggal siya sa serbisyo bilang isang miyembro ng Philippine Army dahil sa kasong rebelyon at kasong 5 counts ng pagpatay.
Nasa kustodiya na ng PNP Ilagan City, at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek. IRENE GONZALES
Comments are closed.