LANAO DEL SUR – KINASUHAN na ng Philippine National Police (PNP) ang siyam na pinaghihinalaang supporters ng Maute-ISIS group na nahuli sa Sultan Dumalondong.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Western Command Spokesperson Lt. Col. Jerry Besana, kasong rebelyon at terorismo ang isinampa laban sa mga naaresto.
Nabatid na patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang kaanak ng mga nahuli na kabilang umano sa sub-commander group ng Maute-ISIS na pinamumunuan ni Benit “Abu Dar” Marahomsar.
Batay sa ulat, nahuli ang siyam sa engkuwentro ng militar kung saan napatay ang apat nilang kasama-han habang dalawa ang sugatan. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.