Recess para kay Isabelle Daza, Pauleen Luna at Anne Curtis

Friends in showbiz, friends in business. Yan ang peg nina Isabel Daza, Pauleen Luna at Anne Ojales Curtis-Smith sa pagtatayo ng Recess.

Kilala natin si Isabel – unica hija ng dating Miss Universe na si Gloria Diaz, at si Pauleen naman ay apo ng napakagandang bituin of yesteryears na si Paraluman, na ngayon ay asawa naman ng bilyunaryong si Marvic Sotto ng Tito, Vic & Joey (TVJ) tandem. Pero si Anne, walang kamag-anak sa showbiz nang mag-artista. Ganda lang talaga.

Ipinanganak siya sa Yarrawonga, Victoria, Australia, at anak ng Filipina na taga-Bolinao, Pangasinan na si Carmencita Ojales sa Australian lawyer na si James Ernest Curtis-Smith. May younger sister siya ngayon sa showbiz, si Jasmine, pero Smith ang ginagamit niyang apelyido.

Magagaling na actresses sina Isabel, Pauleen at Anne, pero si Anne pa lang ang may acting award – sa pelikulang ‘Baler’ with Jericho Rosales. Pare-pareho na silang may asawa at anak, kaya mas lamang na nasa bahay sila, liban uli kay Anne na araw-araw na mainstay host sa ‘It’s Showtime’ kasama sina Vhong Navarro at Vice Ganda.

Lahat din silang tatlo ay dati nang commercial models at beauty products endorsers – sa gaganda ba naman nilang tatlo, magtataka ka pa. kaya nga siguro naisipan nilang magsosyo para sa iisang negosyo, na sila rin mismo ang endorsers. 3-in-1 baga! Pare-pareho silang masasabing ‘It Girl’ na tinatangkilik hindi lamang ng masa kundi maging ng social classes A and B, may mahihiling ka pa ba?

Business ni Anne ang sarili niyang beauty brand na BLK Cosmetics, na tinangkilik at minahal ng mga consumers. Liban pa sa BLK, pag-aari rin ni Curtis-Heussaff ang dalawa pang clothing brands na kasosyo nga sina Isabelle at Pauleen. Nilikha nila ang Recess, kung saan nagbebenta sila ng mga fashionable activewear. Sinimulan nila ito noong panahon ng pandemic, kasabay ng Tili Dahli na kasosyo naman niya ang kanyang sister-in-law na si Solenn Heusaff. Asawa ng apala ni Anne si Erwan Heusaff na isa namang sikat na chef. Itinayo nila ang Tili Dahli para sa kanilang magagandang babies kung saan makakabili ng cutest clothes for toddlers na unan nilang ibinagay sa kanilang mga anak.

Sa ngayon, dahil matatag na ang mga negosyo ni Anne, tinututukan naman niya ang Recess. Ito ang zero-pressure activewear line na binuo niya kasama sina Isabelle, Pauleen Ortega (Luna) at isa pang kaibigang si Roxanne Farilla.

Para ito sa pangangilangan ng kababaihan. Silang apat, ang kanilang koneksyon ay love and need for comfortable, functional yet stylish activewear. Kasalakuyan itong ibinibenta sa online at sa mga piling departmet stores, bukod pa sa may sarili silang outlets.