RECLAMATION LAWS REREPASUHIN

SA launching ng Philippine Development Plan 2023 -28 ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay idiniin na prayoridad ang economic transformation at pagtatatag ng community resilience mula sa panganib na dulot ng Climate Change na nabanggit din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang 5-day official visit sa Estados Unidos.

Ito rin ang sentro ng forum ng mga eksperto nitong Lunes na unang hakbang para bumalangkas ng policy recommendation para sa agarang pagrespaso at pagsasaayos ng polisiya sa mga kaugnay na reclamations.

Kaya naman nakapaloob din sa nasabing plano ang i-monitor ang mga kompanyang aabuso sa kalikasan at hikayatin ang mga ito na sumunod sa batas.

“Companies who exploit our natural resources must follow the law… there is no question that the preservation of the environment is the preservation of lives,” nabanggit ni PBBM sa kanyang 2022 State of the Nation Address (SONA).

Kabilang sa layunin ng plano ay magkaroon ng masinsinang pagtalakay sa mga eksperto at stakeholders upang makakuha ng insights on reclamation, identifying gaps and entry points na magpapaganda, pagpapalakas ng polisiya at pagkuha ng recommendations para sa mas maayos at epektibong national and local level policies sa reclamation.

“The expected output is a set of policy recommendations on reclamation that will inform the review and enhancement of the country’s policies related to reclamation,” ayon naman sa DENR.

Tinukoy rin ng DENR ang mga rerepasuhing reclamation laws at policies at ang mga ito ay ang Executive Order No. 74 s. 2019, Philippine Reclamation Authority Administrative Order No. 2019-4 s. 2019, DENR Administrative Orders No. 2003-30 and 2018-14, at ang Department of the Interior and Local Government Memorandum Circular No. 2022-018.

Sa concept note ng DENR na ang global sources sa reclamation show ay nagpapakita kung paano ang reclamation ay makapag-aambag para sa Sustainable Development Goals.
EVELYN QUIROZ