RECLUSION PERPETUA HATOL KAY NUEZCA

RECLUSION perpetua ang iginawad na hatol ng Tarlac Regional Trial Court kay dating Police Staff Sgt Jonel Nuezca kaugnay sa ginawa nitong pagbaril at pagpatay sa isang ginang at anak nitong lalaki sa Paniqui, Tarlac noong isang taon.

Sa ibinabang desisyon ni Hon. Judge Stella Marie Gandia-Asuncion ng Paniqui Tarlac Regional Trial Court Branch 106, lumitaw sa paglilitis na guilty “beyond reasonable doubt” sa dalawang kaso ng pagpatay ang naging hatol kay Nuezca kaugnay sa ginawa nito pagpaslang sa kapitbahay niyang sina Sonia Gregorio at anak nitong si Frank Anthony Gregorio.

Base hatol ng korte, habambuhay na pagkakakulong o maximum 40 years in prison para sa bawat isang kaso ng pagpatay na iginawad kay Nuezca at pinagbabayad din ito ng halagang PHP 952,560.00 bilang danyos.

“The attack was so swift and sudden that the victims were not able to defend themselves. The shots fired were made in quick succession,” ayon sa desisyong isinulat ni Judge Gandia-Asuncion.

Magugunitang, malinaw na malinaw na nakunan ng video si Nuezca nang magkasunod niyang pinaputukan ang mag ina dahil lamang sa alitan sa lupa at right of way.

Nasaksihan pa ng batang anak ni Nuezca ang ginawang pagbaril ng kanyang ama sa ulo ni Sonia at isinunod si Frank noong Disyembre 20,2020 ng umaga nang magkaroon ng pagtatalo dahil sa ingay na nilikha umano boga o homemade cannon at bago tumakas ay muli pang pinaputukan ang ginang kaya naging murder ang kaso.

Matapos na mag viral ang video ay mabilis na kumalat ang panawagan para sa malawakang pagrereporma sa hanay ng PNP.VERLIN RUIZ/ THONY ARCENAL

21 thoughts on “RECLUSION PERPETUA HATOL KAY NUEZCA”

  1. This translated into contralateral breast cancer recurrences occurring in 3 where can i get nolvadex This comparison reminds us of the importance of targeting therapy based on a good understanding of cancer biology and the value of well designed and adequately powered clinical trials

  2. This study was designed to evaluate the reproductive and metabolic effects of L- carnitine in clomiphene citrate CC resistant PCOS women clomiphene citrate for men For instance, in arthritis, new capillary blood vessels invade the joint and destroy cartilage Colville Nash and Scott, Ann

Comments are closed.