TINIPON ng Pag-IBIG Fund ang mga miyembro, partner, at iba pang stakeholders nito upang kilalanin ang kanilang patuloy na suporta at iulat ang record-breaking accomplishments nito sa 2018 Chairman’s Report na idinaos sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
“On its 38th year, Pag-IBIG Fund showed that it keeps getting better and better. We previously declared that 2017 was our best year ever, but the following year was even better. We breached a lot of milestone figures in savings, housing, and finance. Pag-IBIG Fund continues to be a major player in President Rodrigo Roa Duterte’s call for government to provide social benefits to more Filipinos,” wika ni Secretary Eduardo D. del Rosario, Chairperson ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees at ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).
Napatunayan ang tiwala ng may 14 million active members sa Pag-IBIG Fund ng record-breaking collections sa Members’ Savings, na may kabuuang P40.27 billion, mas mataas ng 11% noong 2017. Kinabilangan ito ng P4.47 billion na naipon sa ilalim ng Modified Pag-IBIG 2 Savings Program, isang special savings mechanism na inalok sa mga miyembro at retiree na dating mga miyembro. Ang programa ay nagtala ng 242% paglago, kung saan nahigitan nito ang P4-billion mark sa unang pagkakataon.
Idinagdag ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na, “With our members’ trust and support, Pag-IBIG Fund continues to grow in strength and numbers, scaling heights we never imagined and providing even better programs and services to our members.”
Binura rin ng Pag-IBIG Fund ang housing records nito sa pagpapalabas ng kabuuang P75.31 billion sa housing loan takeout, ang unang pagkakataon na sinira ang P70-billion mark, at ang ikatlong sunod na taon na nakamit ang double-digit growth. Sa nasabing halaga, nasa P8.36 billion ang para sa socialized housing, kung saan may 21,389 borrowers ang nabiyayaan, karamihan ay minimum-wage at low-income earners. Bumubuo sila sa 24% ng kabuuang 90,375 housing loan borrowers.
Pagdating sa cash loans, ang Pag-IBIG Fund ay nagpalabas ng kabuuang P49.23 billion na halaga ng short-term loans sa 2,428,918 miyembro. Kabilang dito ang multi-purpose loans na nagkakahalaga ng P46.96 billion, ang pinakamataas na ipinalabas ng Pag-IBIG Fund sa kasaysayan nito.
Napanatili rin ng Pag-IBIG Fund ang high performing loans ratio nito na 90.26%, nagpapakita na siyam sa 10 housing borrowers ay regular na nagbabayad ng kanilang housing loan obligations sa Fund.
Sa naturang event ay pinarangalan din ng Pag-IBIG Fund ang top-performing partners at iba pang key stakeholders nito.
Comments are closed.