RECORD-BREAKING NA TAGUMPAY NG KAMARA SA ILALIM NI SPEAKER CAYETANO

kamara

INAPRUBAHAN sa Kamara de Represen­tantes ang dalawang prio­rity bills na  House Bill (HB) 304 o ang “Passive Income and Financial Interme­diary Taxation Act” (PIFITA), at HB 300 o “Amendment of the Foreign Investments Act (FIA)”.

Ito ang ikalawa at ikatlong prayoridad na batas na naipasa ng ika-18 Kongreso, matapos maipasa ang batas noong ika-20 ng Agosto na nagpapataw ng dagdag buwis sa alak, sigarilyo, at mga kagamitan sa pang-vape.

Tunay na kapuna-puna, ang agaran at mabilis na pagpasa nitong tatlong nasabing prayoridad na batas, sa kabila ng maraming badyet hearing na isinasagawa, ay maitatalang unprecedented feat sa Kamara.

Ang PIFITA bill ay nakalipon ng 186 na boto  ng pagsang-ayon, 6 ang hindi sumang-ayon at 2 ang nag-abstain.

Samantalang, ang FIA Amendment bill ay tumanggap ng 201 boto ng pagsang-ayon, 6 ang hindi sumang-ayon at 7 naman ang nag-abstain.

Inakda ni Committee on Ways and Means Chairman Rep. Joey Sarte Salceda (2nd District, Albay), ang PIFITA bill na naghahangad na baguhin ang National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997 at ireporma ang sektor ng pinansiyal sa Filipinas.

Sa pahayag ni Salceda, na ang pagpasa ng PIFITA ay magiging daan upang mas makaakit ng magandang kapital at mamumuhunan sa bansa, na agarang kailangan ng pondo para sa mga impraestruktura, makagawa ng mas maganda at maraming trabaho at mas mapalakas ang inclusive at patuloy na paglaki ng ekonomiya.

Ang FIA Amendment Bill, na pangunahing isinulat ni Rep. Victor Yap (2nd District, Tarlac), ay nagnanais na mabago ang Republic Act No. 7042, kilala rin bilang “Foreign Investment Act of 1991,” sa pamamagitan ng pagpayag sa mga dayuhan na maisagawa ang kanilang propesyon sa Filipinas, at pababain ang bilang ng kailangang mga lokal na empleyado para sa ilang mga ­negos­yo.

Sa sponsorship speech ni Rep. Sharon Garin, (Party-list, AAMBIS-OWA), Chairperson of the House Committee on Economic Affairs tungkol sa FIA Amendment bill, sinabi niya na sa huling sampung taon, nanatiling mababa ang foreign direct investments sa bansa, na may average na USD 3.93 billion.

Binigyang-diin din ni Garin ang mga benepisyo ng mga Filipino na nagtatrabaho kasama ang mga dayuhang propesyunal sa Filipinas.

Pinuri naman ni House Deputy Speaker at Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, Jr. ang mabilis na pag-apruba ng PIFITA at ng Amendment ng mga FIA bill, at sinasabing ang parehong hakbangin ay napakahalaga at naaayon sa panahon.

“This is another record-breaking feat of the House of Representatives which was made possible under the leadership of Speaker Alan Peter Caye­tano. Because of our effective legislative process, the PIFITA and Amended FIA bills were thoroughly discussed and debated upon prior to their final appro­val,” saad ni Villafuerte. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.