RECORD-HIGH REMITTANCE SA PAGCOR

PAGCOR

ITINURN-OVER ng ga­ming regulator ang pinakamalaking annual dividend sa national government para sa 2018 oper-ating year nito, salamat sa malakas na performance kapwa ng private at government run casinos.

Ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor), ang P16.17 billion na cash dividends na kanilang ni-remit sa na-tional treasury ang highest one-time remittance, na halos napantayan ang P17.16 billion cumulative cash dividends mula 2011  hanggang 2017.

Inilarawan ni Pagcor chair and CEO Andrea Domingo ang record high remittance –  na ginagamit ng pamahalaan para pondo-han ang social, educational at poverty alleviation programs nito – na ‘tip of the iceberg’ pa lamang.

“In 2018, we recorded our highest revenue in history, which amounted to P104.12 billion,” aniya. “This feat enabled our agency to significantly increase our contributions to nation-building by 42.52 percent.”

Mula sa P41.36 billion na total contributions noong 2017,  ang Pagcor ay nag-remit ng combined P58.95 billion sa national cof-fers at iba pang mandated beneficiaries noong 2018.

“Of its revenues last year, P67.85 billion came from the agency’s income from gaming operations while P36.27 billion came from other income including the sale of Pagcor’s land in Entertainment City to Bloomberry Resorts Corp., netting P32.71 billion for the government.”

Ang P67.85 billion revenues mula sa gaming operations ay nagmula sa winnings mula sa electronic games (P24.78 billion), table games (P11.79 billion) at bingo operations (P1.04 billion). Ang kinita mula sa licensed casinos (P24.11 billion) at offshore gaming operations (P6.11 billion) ay nakatulong din sa pagtaas ng kita ng ahensiya.

Comments are closed.