PUMALO ang Philippine exports sa record-high US$70.3 billion noong 2019 mula sa US$69.3 noong nakaraang taon, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
“The relatively strong export performance of the Philippines transpired amid DTI’s strong efforts in attracting investments, spurring MSME development, and promoting the ease of doing business,” wika ni DTI Sec. Ramon Lopez.
Lumago ng 1.5% year-to-date, ang export growth ng bansa ay second-best performer din sa East Asian economies, sumusunod sa Vietnam. Ang Philippines, China, at Vietnam ang tanging tatlong bansa na nag-ulat ng positive export performance sa 11 trade-oriented Asian economies noong nakaraang taon.
“Our goal was to expand the productive capacity and export base as well as in actively enhancing trade relations with existing partner economies, by marketing products abroad and exploring new export markets,” anang trade chief.
Sa unang pagkakataon, ang electronics exports ay pumalo sa US$ 40 billion na may 4.4% growth ytd. Ang sector ay bumubuo sa 56.9% ng total exports, kung saan ang non-electronic products ang kumakatawan sa nalalabing 43.1% sa US$30.3 billion.
Para sa non-electronic products, ang top growers ay ang mineral products, prutas at gulay, at travel goods at handbags.
Ang top four destinations para sa mga produkto ng Filipinas ay ang US, Japan, China, at Hong Kong.
“The curbing inflation via aggressive price monitoring activities has also contributed in making locally-made products attractive internationally,” sabi pa ng kalihim.
Noong December 2019, ang Filipinas ay top performer din na may 21.4% year-on-year (yoy) growth, ang pinakamabilis noong 2019. Ito ay sa likod ng 24.9% yoy jump sa electronic exports, na kumakatawan sa 60% ng merchandise exports noong December.
Ang iba pang top export items para sa buwan na nagtala ng paglago ay kinabibilangan ng saging, chemicals, copper metal, machinery at transport equipment.
Samantala, ang merchandise imports ng bansa ay bumaba ng 4.8% sa US$107.4 billion noong nakaraang taon.
Comments are closed.