RECORD HOLDER ANG 18TH CONGRESS

MASAlamin

NAKAMAMANGHA ang ipinakikitang sigasig at sipag ng mga kongresista sa pamumuno ni Speaker Alan Cayetano. Aba’y tila siksik at punum-puno ng good vibes ngayon ang Kongreso dahil sa average na  247 ‘record high attendance’ ng mga solon sa sesyon ng Kamara.

Ang makasaysayang record-high attendance na ito ay naitala sa loob ng 18 session days na ginawa mula Hulyo 22 hanggang nitong Lunes, Setyem-bre 10, batay sa  opisyal na record ng House Committee on Rules. Ibig sabihin nito, matindi ang dedikasyon, disiplina at kasipagan ang ginagawa nga-yon ng mga mambabatas.

Maging si House Deputy Speaker Neptali Gonzales ay napahanga sa ipinakikitang dedikasyon ng mga kap­wa niya kongresista na gampanan ang kanilang legislative duties para masiguro ang hangarin ni Pangulong Duterte na ligtas at komportableng buhay para sa mga Filipino.

Ayon kay Gonzales, matagal na siyang nagsilbi bilang kongresista at naging Majority Floor Leader na rin ng Kamara noon pero ngayon lang aniya ito nangyari na mataas ang average ng attendance ng mga solon sa sesyon. Dati ay extended vacation ang mga kongresista kapag nasa-sandwich ang mga holiday.

Matatandaang 266 na kongresista ang dumalo sa sesyon noong August 13, isang araw matapos ang Eid al-Adha Day, at 259 naman ang nasa sesy-on noong August 27, matapos ang pagdiriwang ng National Heroes’ Day.

Sa ngayon, patuloy na ang deliberasyon sa 2020 national budget sa plenaryo natapos itong maaprubahan sa commitee level noong September 6. Kaya naman asahan na ng taumbayan na makalulusot  ang pambansang bad­yet sa Kamara bago ang October 4.

Kaya malaki ang pasasalamat ni Gonzales sa liderato ni Cayetano dahil sa pagiging hands-on speaker nito at pagsiguro na mahawakan ng mga ku-walipikadong kongresista ang mga mahahalaga at malalaking komite upang masiguro na maayos ang takbo at pro­seso ng pagdinig ng mga ito.

Dagdag pa ni Gonzales, kailangang kayod kalabaw ang gawin ng mga kongresista upang maisabatas ang priority bills ni Tatay Digong at hindi na muling magkaroon ng aberya sa pag-aapruba ng pambansang badyet.

Comments are closed.