RECORDING NG MEETINGS NG DENR HIRIT SA SENADO

HINIMOK  ni Senator Nancy Binay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magkaroon ng aktwal na recording ng mga pagpupulong upang maiwasan ang kalituhan at maisulong ang higit na pananagutan sa loob ng ahensya.

“Baka mas maigi na may actual recording. Maybe you could start requiring na hindi lang minutes but actual recording of PAMB hearings. Kasi kung minutes lang yun, hindi clear kung ano ba yung naging exchange, ano yung explanation,” ani Binay.

Sinabi ito ng mambabatas matapos malaman na hindi alam ng DENR ang ilang detalye sa mga pagpupulong ng Protected Area Management Board (PAMB) dahil wala ang kanilang mga kinatawan.

“Nakakagulat lang na malaman na nagka-conduct pala ng hearing ang PAMB–which is chaired by the DENR Director–nang walang audio/video recording na magba-validate sa official minutes of the meeting,” aniya.

Nagsasagawa ng pagdinig ang Senado ukol sa itinayong resort sa Chocolate Hills. LIZA SORIANO