CAMP CRAME – TINIYAK ng bagong Highway Patrol Group Acting Director na si Brig. Gen. Dionardo Carlos na tututukan niya ang pag-account ng mga recovered vehicle ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay upang hindi ito magamit ng mga pulis para sa kanilang mga sariling lakad.
Matatandaang isa sa utos ni PNP OIC Archie Gamboa na matapos ang pagbaba sa puwesto ni PNP Chief Gen Oscar Albayalde ay ang mahigpit na pagbabawal sa mga pulis na gumamit ng mga recovered vehicle.
Ayon kay Carlos, na bukod sa pag-account ng mga recovered vehicle ay bilin din ni PNP OIC Gamboa sa HPG ay ang mahigpit na ipatupad sa PNP personnel ang pagbabawal sa pagbiyahe ng walang plate number o conduction sticker.
Isa pa aniya sa ipatutupad niya bilang bagong pinuno ng HPG ay magserbisyo nang nakangiti.
Si Carlos ay pormal nang umupo kahapon bilang acting director ng PNP HPG kapalit ni Brig. Gen. Eliseo Cruz na itinalaga na bilang deputy for admin ng PNP CIDG. REA SARMIENTO
Comments are closed.