RECOVERY ASSISTANCE SA MGA MAGSASAKA UMABOT NA SA P2.25-B —DA

Department of Agriculture-2

UMABOT na P2.25 bilyon ang naipamahagi ng Department of Agriculture (DA) bilang ayuda sa mga magsasaka sa ilalim ng Expanded Survival and Recovery Assistance o SURE Aid Program as of January 2020.

Ito ay 90 percent ng P2.5 billion ng kabuuang pondo na inilaan ng Agricultural Credit Policy Council na pautang sa mga magsasaka na apektado ng bagsak presyo ng palay.

Nasa 149,910 rice farmer mula sa 166,665 targeted potential borrowers ang nakatanggap ng P15,000 cash assistance sa pamamagitan ng Land Bank.

Nasa P45.06 million na cash assistance naman ang naibigay na sa may 3,004 rice farmers sa Maguin­danao province.

Ang natitirang P251 million ay asahang maipalalabas sakaling matapos nang maproseso ang mga aplikasyon mula sa pitong probinsya gaya ng Cagayan, Isabela (Santiago City), Quirino, Nueva Viscaya, Sorsogon, Albay, at Eastern Samar.

Comments are closed.