RECREATIONAL ACTIVITIES SA DOLOMITE BEACH BAWAL PA

INIHAYAG ng Manila Bay Site Coordinating and Management Office (MBSCMO) na ipinagbabawal pa rin ang mga recreational activities gaya ng pag-swimming sa Dolomite beach sa Manila Bay dahil nakitaan pa ito ng katiting na amount ng ‘fecal coliform.

Sa webinar na isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources-National Capital Region (DENR-NCR), tinakalay ang progreso sa Manila Bay Rehabilitation kabilang ang pagbaba ng fecal contamination sa tubig.

Ayon sa isa sa mga speakers na si Glenn Alvin Gustilo, Development Management Officer II, nitong Mayo 4 ay naobserbahan nila ang pagbaba ng level ng fecal coliform sa tatlong istasyon ng Dolomite.

“For instance, in Dolomite Station A, the level was found to have dropped to 1,600 mpn (most probable number) per 100 ml from 3.5 million mpn in 2020. Likewise, Station B has recorded 1,100 mpn per 100 ml from 2020’s 9.2 million mpn; while Station C with just 920 from the previous 1.6-million mpn,” ayon kay Gustilo.

Gayunpaman, hindi pa aniya umaabot ito sa SB level o sa klasipikasyon na puwede nang payagan ang publiko na maligo doon, mag- swimming, skin diving, at ang pagpupunla ng mga bangus at iba pang kaparehong species ng isda fish sa ilang mga lugar.

“It’s low, but, again, it’s not yet on a class SB level. We’re saying there’s an improvement there because of the engineering interventions that have been applied in the dolomite [beach] to prevent the increase of fecal coliforms, and the entry of wastes in those areas,” giit pa ni Gustilo.

Binigyang-diin ni Gustilo na papayagan lamang sa dolomite beach ang mga recreational activities kung ang coliform level ay bababa sa 100 mpn per 100ml.

“We have installed trash traps, we have distributed trash boats, there are trash rafts, trash nets, waste collector trike, trash bins to encourage our LGUs and barangays to conduct waterways cleanup,” dagdag pa ng opisyal. EVELYN GARCIA