HINATULAN na kahapon ng Taguig Regional Trial Court ang isang terorista na kasama sa mga pumasok sa Marawi City.
Unang hinatulan ng Taguig RTC Branch 70 si Nur Supian na nahaharap sa 40 taong pagkakakulong sa kasong terorismo.
Si Supian ang itinuturong nag-recruit sa mga sumali sa Marawi siege habang pinawalang sala naman ang mga kapwa akusado na sina Marvin Ah-mad, Salip Ismael Abdulla, at Issa Ukkang
Guilty naman sa kasong rebelyon sina Araji Samindih at Umad Harun sa kanilang pagsama sa tangkang pagsakop ng Islamic State-inspired militants sa Marawi noong Mayo 23, 2017.
Nahaharap sina Samindih at Harun sa walong taon at dalawang araw hanggang 14 taon at walong buwang pagkakakulong habang absuwelto ang mga akusadong sina Monalisa Romato at Tahera Taher dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
Matatandaang Oktubre 2017 nang magapi ng tropa ng pamahalaan ang grupo ng Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon na piniling emir ng IS sa Southeast Asia at ang Maute terror group na pinamunuan nina Omar at Abdullah Maute.
Ito ang kauna-unahang paghatol na iginawad ng korte sa mga teroristang nanggulo sa Marawi.
Comments are closed.