SAUDI ARABIA – TINIYAK ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na kanilang hahabulin ang recruitment agencies na responsable sa pagpapadala ng menor upang maging overseas Filipino workers sa bansang ito, ayon sa OWWA official.
Sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, na ang sinumang mapatutunayang guilty sa paglabag sa polisiya ay mananagot.
Sa kanyang pagtungo sa Al Khobar upang i-assist ang libong OFWs na nawalan ng trabaho nang magsara ang pinapasukan ay nalaman na underage ang mga OFW na naroon.
Dahil dito, mananagot ang recruitment agencies at iginiit na dapat bayaran ang mga nabiktima ng mga ito.
“Ayon sa batas kapag nag-deploy ang Philippine recruitment agency ng underage, eh automatic cancellation ng license, puwedeng habulin sa pagparusa dun sa ahensiya at pangalawa ay ang paghabol nung dapat bayaran dun sa worker ng ahensiya,” ayon kay Cacdac. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.