NILINAW ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi mawawala ang mga pribadong recruitment agency sakaling itayo ang Department of Overseas Filipino Worker (OFW).
Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na plano niyang isailalim sa kontrol ng pamahalaan ang pagkuha at pagpapadala ng OFWs sa ibang bansa.
Paliwanag ni Bello, nais lamang ni Pangulong Duterte na matutukang mabuti ang mga aktibidad ng recruitment agencies lalo’t maraming mga Filipinong manggagawa sa ibang bansa ang napapaulat na inaabuso ng kanilang mga employer.
Magugunitang sa naging talumpati ni Pangulong Duterte sa araw ng pasasalamat sa OFWs kamakalawa ng gabi, binalaan nito ang recruitment agencies kung saan ipag-uutos niyang isailalim na lamang sa gobyerno ang pangangasiwa sa pagsala at pagkuha ng mga OFW. DWIZ 882