RECRUITMENT CARAVAN SA PHILIPPINE ARMY

WALANG kinalaman sa nagaganap ngayong tension sa pagitan ng Russia at Ukraine ang target ng Philippine Army palakasin ang pwersa ng hukbo sa pangangalap ng dagdag na tauhan.

Ang Hukbong Katihan ay magsasagawa ng dalawang araw na recruitment caravan sa kanilang punong himpilan simula ngayong araw hanggang bukas,Marso 13 na magsisimula ng alas-8 ng umaga sa Philippine Army Grandstand sa Fort Bonifacio, Taguig Metro Manila.

Ayon kay Office of Army Chief Public Affair commander, Col Xerxes Trinidad bahagi lamang ito ng pagdiriwang ng kanilang ika-125 aniber­saryo na may Temang: “Philippine Army @ 125: Kapayapaan Para Sa Lahat”

Dito ay magbibigay din ng impormasyon ang mga army recruitment officers tungkol sa mga oportunidad, pribilehiyo at career path sa Philippine Army.

Bukas ang aplikas­yon para sa mga interesadong maging regular na sundalo, reservist o civilian human resource ng Philippine Army.

Maaaring makita ng publiko ang iba’t-ibang assets ng Philippine Army sa kanilang ila­latag na Kinetic display kaugnay pa sa kanilang ika-125 taon.

Una rito ay naglunsad din sila ng 2-day License To Own and Possess
Firearms (LTOPF) caravan sa Ricarte Hall, Fort Bonifacio.

Layunin nito na matulungan ng Philippine Army ang mga uniformed personnel, civi­lians, at mga dependents para sa madali at mabilis na LTOPF registration habang isinusulong ang mission ng gobyerno hinggil sa pagiging responsableng gun owners.

“The one-stop shop caravan encouraged a hassle-free licensure for all loose firearms especially during the implementation of gun ban this upcoming elections,” ani Col Trinidad. VERLIN RUIZ