CAMP AGUINALDO – WALANG bago sa reklamo laban sa mga miyembro ng Communist Party of Philippines-New Peoples Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa pagre-recruit sa mga menor.
Ito ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos ang reklamo ng mga magulang na kanilang ibinunyag sa pag-dinig sa Senado ang pagkawala ng kanilang mga anak na estudyante dahil na-recruit umano ng CPP-NPA NDF.
Ayon kay Lorenzana, ilang mga dating rebelde na may mga edad 14 at hanggang 15, ang umamin sa pagre-recruit ng CPP-NPA-NDF ng mga kabataan.
Kaya lantaran aniya ang pahayag ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines sa ginagawang pagre-recruit ng mga makakaliwang grupo.
Mariing kinondena ng kalihim ang patuloy na paggamit ng CPP-NPA-NDF ng mga kabataan para sa kanilang marahas na pakikipabaka. REA SARMIENTO
Comments are closed.