MAHIGPIT ang anunsiyo ng Armed Forces of the Philippines –Western Mindanao sa residente sa nasabing rehiyon na maging mapanuri sa alok na maging kasapi ng Moro Islamic Liberation Front.
Ang babala ay kasunod nang ulat ng AFP-WestMincom na may mga gumagala at nagre-recruit upang maging sundalo ng MILF sa sandaling gumagana na ang Bangsamoro Organic Law.
Pinangakuan ang mga magiging recruit ng nasa P40,000 to P50,000 buwanang sahod kapag naging sundalo na ang mga ito ng MILF.
Sinabi ni Lt. Col. Gerry Besana marami pa rin sa mga kababayan nating Muslim ang hindi pa lubos nakaiintindi at naloloko pa ang ilang mga indibidwal na nagte-take advantage sa sitwasyon.
Batay sa ulat ng militar nasa 25 na indibidwal ang na-recruit sa Basalan, Davao City at dinala sa Zambo-anga para sumailalim sa tatlong araw na orientation bago sila sumabak sa formal training sa Balagunan, Siocon, Zambo Norte na siyang lugar na pagdausan ng pagsasanay. PILIPINO Mirror Reportorial Team