SINIMULAN na ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagkuha ng 50,000 na karagdagan contact tracers para tuntuning ang mga posibleng nahawa o nadapuan ng COVID-19.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Bayanihan 2 Law.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, aabot na sa kabuuang 97,400 na contact tracers ang plano makuha dahil sa malaking tulong ito sa Local Government Units (LGUs) para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ang mga bagong tracer ay kabilang sa mga ipapakalat na contact tracing teams ng mga local government unit sa buong bansa matapos na sanayin ng Local Government Academy at Philippine Public Safety College.
Ayon sa kalihim, nasa 238,000 na ang bilang ng contact tracers na bahagi ng pagtugon ng bansa sa COVID-19 pandemic na kung saan ang nasabing karagdagang 50,000 na-recruit ay itatalaga sa mga lugar na higit na nangangailangan.
Pinakaraming ide-deploy sa Luzon na aabot sa 20,000 habang. VERLIN RUIZ
Comments are closed.