(Recruitment sa kabataan laban sa rebelde babantayan) NTF-ELCAC, DEPED NAGSANIB PUWERSA

MAGSASAGAWA ng kolaborasyon ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at Department of Education (DEPED) upang mapangalagaan at mabantayan ang recruitment sa kabataan laban sa mga rebelde.

Sa isinagawang press conference ng NTF-ELCAC kahapon, ipinaliwanag ng ahensiya ang nangyaring pagbaliktad ng dalawang aktibistang kabataan sa kanilang sinumpaang salaysay sa ilalim ng Public Attorney’s Office kamakailan.

Kinupkop ang mga ito ng 70th infantry battalion matapos na kusang sumuko sa gobyerno, ayon sa sinumpaang salaysay ng mga ito ay nagpasaya silang sumuko dahil sa puro hirap ang naranasan sa samahan sa loob ng apat na taon at pangungulila na rin ng mga ito sa pamilya.

Sina Jhed Tamano at Jonila Castro na pawang mga estudyante na narecruit ng mga rebelde ay nagtatago na rin sa takot na trabahuin sila ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB) na kalaban ng CPP-NPA na inaniban nilang grupo.

Ayon kay USec Ernesto Torres Jr. dahil na rin paraan ng pag re-recruit sa mga kabataan ng mga rebelde, magsasanib puwersa ang NTF-ELCAC at DEPED upang mas mapangalagaan ang mga kabataan mula mga makakaliwang grupo.

“Kami po sa NTF-ELCAC ay nakipag- collaboration sa Deped , we are collaborative mechanism to harmonized synchronized other partners to harmonized or solve the problems in insurgency,” aniya.

“Ang hanay ng kabataan ay mga mag-aaral na kapag narecruit magiging hardcore, that is why we’ve been collaborating with the DepEd all the Regional Directors sa Luzon,Vizayas at Mindanao regarding this to agreement on programs when comes to drafting agreements to prevent recruitments sa mga school,” diin ni Torres.

“What we are collaborating on here also was the natural culture of peace , Actually hindi lng DepEd malaki ang role ng mga parents communities, full nation participation if we want to end that communist group, ”giit pa nito.

Sa paraang ito mabantayan ang mga universidad upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga kabataan mula sa mga panlilinlang ng makakaliwang grupo katulad na lamang ng nangyari sa dalawang kabataan o higit pa. PAULA ANTOLIN