RECTO O ROXAS SA DOF?

Erick Balane Finance Insider

DALAWANG kilalang politiko at bihasa sa ekonomiya – sina Batangas Congressman Ralf Recto at former Senator Mar Roxas – ang napipisil umano ng Malacanang para pumalit kay Secretary Benjamin Diokno sa Department of Finance (DOF).

Ito’y matapos umugong na sa halip na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang uupong chairman ng kontrobersiyal na Maharlika Investment Fund (MIF) ay si Diokno na lamang.

Ang nasabing posisyon sa MIF na para sana sa Chief Executuve ang natitirang babante sa Maharlika matapos makumoleto ang 11 board of directors at president-CEO.

Si Secretary Diokno ang sinasabing napipisil ni Presidente Marcos para umupo sa Maharlika. Si Diokno ang head ng economic team ni PBBM.

Bago pa umugong ang pangalan nina Recto at Roxas, nagparamdam na ang Chief Ececutive nang kawalan niya ng interes na upuan ang pinakamataas na puwesto sa Maharkika na umano’y naaayon sa charter nang buuin ito ng dalawang kapukungan ng Kongreso.

Si Recto ay dati ring senador, naging secretary ng Department of Trade and Industry at Department of Budget and Management  at mister ni dating Batangas Governor/Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Si  Roxas ay dati ring secretary ng DTI, Department of the Interior and Local Goverment at Department of Transportation and Communications. Siya ay apo ni late President Manuel Roxas at asawa ni broadcast journalist Korina Sanchez-Roxas. Siya ay tumakbo sa pagka-pangulo ng bansa noong 2016, ngunit tinalo ni former President Rodrigo Duterte.

Ang pagiging chairman ng MIF ay napakahalaga dahil ito ang magdedesisyon kung paano gagamitin ang pondo ng gobyerno para sa mga pamumuhunan sa iba’t ibang sektor. Ang  desisyong ito ng chairman ay makaaapekto sa ekonomiya, imprastraktura at kaunlaran ng bansa.

Ang dalawa ay may kanya-kanyang mga kuwalipikasyon at karanasan para sa posisyon sa DOF.

Ang pagpili ng chairman at pinuno ng MIF ay nasa kapangysrihan ng Pangulo ng bansa, ayon sa charter nito,  na dapat ding aprubahan ng Commission on Appointments at kinakailangsng sumailalim sa masusing pagsusuri upang matiyak ang kakayahan at integridad nito.

Ang dalawang estate banks na nag-finance sa pondo ng Maharlika ay ang LandBank of the Philippines at ang Development Bank of the Philippines. Ayon sa House Bill no. 6608, ang Land Bank ay magbibigay ng P50 bilyon at ang DBP naman ay P25 bilyon bilang kanilang mandatoryong kontribusyon sa Maharlika Investment Fund.

Ang layunin ng investment ay palakihin ang pondo ng gobyerno sa pamamagitan ng pag-invest sa iba’t ibang sektor at laban sa climate change

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang Maharlika ay makatutulong sa pagpapalago ng ekonomiya, paglikha ng mga trabaho at pagpapabuti sa serbisyo ng pamahalaan.

Ang Maharlika ay isang sovereign wealfh fund, na ibig sabihin ay pagmamay-ari ito ng gobyerno at hindi ng pribadong sektor. Ang  ilang bansa na may sariling sovereign wealth ay ang Singapore, China, Hong Kong, South Korea at Malaysia.