TAONG 2012 nang itayo ni Sherly Cruz at ng kasosyo ang ‘Paper For Now’, na maker ng bags, wallets, accesories na gawa mula sa recycled newspapers. Sa negosyong ito ni Sheryl ay na-e-express niya ang hilig niya sa art simula noong bata pa. Masaya rin ang Kapuso actress at nabibigyan niya ng trabaho ang kapwa babae especially mothers na may sinusuportahang pamilya.
Sa ganda ng mga produkto ni Sheyrl ay tinawag itong world-class kaya pati mga kababayan natin sa abroad ay sinasadya talaga ang mga outlet ng ‘Paper for Now’ sa Cash and Carry at Kultura. May mga exhibit din na nagpa-participate ang ‘Paper for Now’ at isa sila sa pinakamabenta.
Hands-on pa la si Sheryl sa selection and production activities ng business niyang ito.
Samantala, patuloy na napanonood ang actress tuwing hapon sa teleseryeng “Magkaagaw” at bongga ang ratings nila.
DUO RAPPER NA DISCOVERY NI DIREK REYNO OPOSA MAY IBUBUGA
ANG duo rapper na sina Emass at Eli ang latest addition sa talents na ipinagpo-produce ng single ng filmmaker na si Direk Reyno Oposa. Aside sa paggawa ng movies at pagdidirek ay nag-venture na rin si Direk Reyno sa recording at ang una niyang talent ay ang produkto ng singing talent search na si Rosa Mejica na kumanta ng komposisyon niyang “Pinagtagpo ‘Di Itinadhana” na isang birit hugot Tagalog love song and so far, maganda ang feed-back sa nasabing kanta.
Ngayon ay 25 years old protegee na si Emass at si Eli, 22 na taga-Las Piñas ang iprinodyus ng single ni Direk Reyno at ang title ng kanta ay “Inspirado” kung saan nakipag-collab ang dalawa sa sikat na Filipina girl sa social media na controversial ngayon kaya ayaw munang i-divulge ni Direk Reyno ang name.
Ayon pa sa kaibigan naming director may ibubuga sa rapping ang kanyang mga alaga na hindi na bago sa industry dahil naging laman na ito ng iba’t ibang singing competition sa ABS-CBN at GMA. Ilalabas na pala sa Feb 25 ang Music Video nina Emass at Eli para sa single nilang Insperado at from Canada ay live silang ididirek ng manager nilang si Oposa.
MANILA YORME ISKO MORENO MARAMING PINASAYA SA “BAWAL JUDGMENTAL”
IBANG klase talaga ang pagiging generous ng popular na Yorme ng Manila na si Isko Moreno. Imagine pati ‘yung mga nakasama niyang OFW’s Judgmental na naglaro sa patok na patok na segment sa Eat Bulaga na “Bawal Judgmental” ay nakatikim ng kanyang pagiging galante nang ibigay niya ang napanalunan niyang P35k sa mga ito.
Bale pito ang kabilang sa grupo ng mga OFW kaya naman instant ay nakapag-uwi sila ng tig P5k each kasama ng honorarium na bigay sa kanila ng Bulaga. At sa tuwa ng EB kay Yorme Isko ay ginawa nilang doble ang talent fee na ido-donate naman daw ng naturang actor-politician sa Red Cross. At nakabibilib naman talaga itong si Yorme na habang naglalaro sa Bawal Judgemental ay inisip mo ‘yung mga constituents sa Pandacan kung saan nu’ng mga oras na ‘yun ay may nasusunog na pabrika. In-assure niya sa mga ito na nagpadala na siya ng maraming firetruck at ng kanyang team. Tunay na role model at bayani sa mga taga-Maynila si Yorme Isko.
Comments are closed.