RED CROSS, NAGLAAN NG MEDICAL TENTS SA QC

NAGLAAN ng mga medical field tent ang Philippine Red Cross (PRC) para sa mga pasyenteng tinamaan ng Coronavirus disease (Covid-19) sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.

Dahil sa rami ng nagkakasakit ng Coronavirus, sinabi ni PRC chairman, Senator Richard J. Gordon na magagamit ang mga tent para gawing isolation ward ng mga suspected carrier at pansamantalang doon na muna sila habang nagpapagaling at ginagamot.

“The NKTI has requested us to provide a tent that will serve as an isolation ward for suspected carriers of the virus. With this, the medical staff can receive those patients at the tent and they no longer have to bring them inside the emergency room. We want to ensure that they will not get infected and we want to help prevent further spread of the virus,” ayon kay Gordon.

Magsisilbi bilang additional ward para sa mga persons under investigation (PUI) ang itinayong tent, kasabay ng pagbibigay ng umaabot sa 9,700 piraso ng face masks para sa mga frontliners at healthcare workers sa Quezon City VICK TANES

Comments are closed.