NAGBABALA sa publiko ang Land Transportation Office (LTO) laban sa mga kumakalat na nag-aalok ng pekeng improvised plate authorization letters.
Kasunod ito ng mga reklamong natatanggap ng ahensiya at mga impormasyon mula sa LTO Calabarzon kaugnay ng pekeng dokumento.
Paglilinaw ng LTO, ang mga dokumentong ito ay walang bisa at labag sa batas.
Pinayuhan naman ng ahensya ang publiko na iwasanv makipag-transaksyon sa mga indibidwal o grupo na hindi awtorisado at makipag-ugnayan lamang sa mga opisyal na tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) para sa anumang transaksyon o pagkuha ng kaukulang dokumento.
Hinikayat din nito ang publiko na agad i-report sa pinakamalapit na LTO office ang anumang kahina-hinalang aktibidad.
P. ANTOLIN