RED-HOT BLAZERS

Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – SSC-R vs San Beda
3 p.m. – Arellano vs JRU

MULING sumandal ang College of Saint Benilde sa malakas na third quarter upang pataubin ang University of Perpetual Help System Dalta, 81-64, at mahila ang kanilang perfect run sa tatlo sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Lumayo ang Blazers mula sa 33-32 lead sa break at halos pantayan ang kanilang buong first half output at na-outscore ang Altas ng 22 sa third period upang itarak ang 65-42 kalamangan at hindi na lumingon pa.

Ang panalo ay isang sweet payback para sa Benilde, na natalo sa Perpetual sa do-or-die clash para sa huling semifinals berth noong nakaraang season.

“For sure. We remember. We remember that,” sabi ni coach Charles Tiu, na bumalik makaraang lumiban sa kanilang huling laro dahil sa health reasons

“For us, siyempre, we wanted to kinda get back at Perpetual for a while because they eliminated us, hindi ba? Umaasa kami sa Final Four, pero kinapos, because of this Perpetual team. They are a really really good team. I’m pleased with this win,” dagdag pa ni Tiu.

Naitala ni Gozum ang kanyang ikalawang double-double sa season na may 16 points at 12 rebounds na sinamahan ng 2 blocks at 2 assists, Nagdagdag si Miggy Corteza ng 15 points, 7 boards at 3 blocks habang umiskor si Rob Nayve ng 25 points para sa Blazers.

Sa ikalawang laro ay tumipa sina Mac Guadaña at Alvin Peñafiel ng tig-12 points habang nag-ambag si Renzo Navarro ng 10 points at 3 assists nang dispatsahin ng Lyceum of the Philippines University ang Emilio Aguinaldo College, 74-67, upang sumalo sa ikalawang puwesto sa walang larong Arellano University sa 3-1.

Nahulog ang Perpetual sa four-way tie sa San Beda, Mapua at Jose Rizal University sa sixth hanggang ninth places sa 1-2.

Iskor:
Unang laro:
Benilde (81) — Gozum 16, Corteza 15, Nayve 12, Marcos 7, Flores 7, Oczon 6, Pasturan 6, Cullar 2, Sangco 2, Dimayuga 2, Cajucom 2, Davis 2, Mara 2, Carlos 0, Lepalam 0.
Perpetual (64) — Barcuma 14, Aurin 13, Nitura 12, Flores 8, Abis 6, Omega 4, Martel 3, Egan 2, Razon 2, Ferreras 0, Cuevas 0, Roque 0.
QS: 13-17, 33-32, 65-42, 81-64

Ikalawang laro:
LPU (74) — Guadaña 12, Peñafiel 12, Navarro 10, Barba 9, Montaño 8, Bravo 6, Valdez 4, Villegas 4, Cunanan 3, Omandac 3, Umali 2, Larupay 1, Aviles 0.
EAC (67) — Liwag 18, Cosejo 15, Luciano 11, Ad. Doria 8, Robin 4, Quinal 3, An. Doria 3, Cosa 2, Dominguez 2, Bajon 1, Gurtiza 0, Tolentino 0, Balowa 0.
QS: 12-12, 34-35, 57-49, 74-67.