RED-HOT BULLS

NAGING sandigan ng host Chicago Bulls ang matinding depensa sa kanilang unang 3-0 simula sa loob ng limang taon matapos ang 97-82 panalo kontra Detroit Pistons nitong Sabado.

Nalimutahan ng Bulls ang Pistons sa 15points lamang sa second quarter, pagkatapos ay 11 sa third, upang itarak ang commanding lead sa kabila ng kanilang sariling shooting woes.

Bumuslo ang Chicago ng 35-of-84 (41.7 percent) lamang mula sa  floor, kabilang ang 6-of-18 mula kay Zach LaVine sa isang 14-point night. Kumana si LaVine ng kabuuang 66 points sa huling dalawang laro ng Bulls — 34 sa season-opening win kontra Detroit noong Miyerkoles.

Napunan ng Chicago ang tahimik na gabi mula sa star scorer nito sa pamamagitan ng balanced performance. Anim na Bulls ang umiskor ng double figures, sa pangunguna ni DeMar DeRozan na may game-high 21 points.

Tumapos si Nikola Vucevic na may 15points at game-high 19 rebounds, at nagdagdag si Lonzo Ball ng 13 points. Tumipa sina reserves Javonte Green at Alex Caruso mula sa bench ng 10 at 12 points, ayon sa pagkakasunod, at tinulungan ni Caruso na mapalakas ang depensa ng  Chicago na may 5 steals.

BLAZERS 134,

 SUNS 105

Nagbuhos si CJ McCollum ng 28 points, kabilang ang anim na 3-pointers, upang pangunahan ang host Portland Trail Blazers sa 134-105 panalo laban sa Phoenix Suns.

Naitala ni McCollum ang unang limang puntos ng  10-0 run sa pagsisimula ng second quarter, kung saan naiposte ni Norman Powell ang sumunod na lima, at naitarak ng  Blazers ang kalamangan na nanatili sa double digits sa buong gabi.

Ang lahat ng Trail Blazers players ay umiskor, at lima ang nagtala ng double digits. Mainit ang naging simula ni Powell tungo sa kanyang 16 points, tumipa si Damian Lillard ng 19 points at nagbigay ng 8 assists, at nagpakawala si Anfernee Simons ng apat na 3-pointers mula sa bench at tumapos na may 18 points.

MAVERICKS 103,

RAPTORS 95

Nakalikom si Luka Doncic ng 27 points, 12 assists at 9 rebounds nang gapiin ng bisitang Dallas Mavericks ang  Toronto Raptors, 103-95.

Nagdagdag si Tim Hardaway Jr. ng 25 points — 13 sa fourth quarter — para aa sa Mavericks, na bumawi sa pagkatalo sa  kanilang opener sa Atlanta noong Huwebes.

Kumamada si Kristaps Porzingis ng 18 points at 10 rebounds para sa Dallas, at gumawa sina Dwight Powell at Dorian Finney-Smith ng tig-11 points.

Tumirada si Toronto’s OG Anunoby ng 23 points, 20 sa first half. Kumabig si Fred VanVleet ng 20 points para sa Raptors, na nalasap ang ikalawang pagkatalo sa tatlong laro.

Gumawa si Scottie Barnes ng 17 points, umiskor si Gary Trent ng 12 points at nagdagdag si Precious Achiuwa ng 10 points at 12 rebounds.

Sa iba pang laro, pinataob ng Indiana Pacers ang bisitang Miami Heat, 102-91; ginapi ng Cleveland Cavaliers ang bisitang Atlanta Hawk, 101-95; at nadominahan ng Memphis Grizzlies ang host Los Angeles Clippers 120-114.

7 thoughts on “RED-HOT BULLS”

  1. Howdy would you mind letting me know which web host you’re using?
    I’ve loaded your blog in 3 different internet browsers and
    I must say this blog loads a lot faster then most. Can you recommend a good web hosting provider at a fair price?
    Cheers, I appreciate it!

  2. Hi there this is kind of of off topic but I was wanting to know if blogs use WYSIWYG editors or if you have to manually
    code with HTML. I’m starting a blog soon but
    have no coding know-how so I wanted to get guidance from someone
    with experience. Any help would be greatly appreciated!

  3. Hmm it appears like your blog ate my first comment (it was super long) so I guess
    I’ll just sum it up what I had written and say, I’m thoroughly enjoying your blog.
    I too am an aspiring blog writer but I’m still new to everything.
    Do you have any tips for novice blog writers? I’d certainly appreciate it.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *