RED-HOT LIONS! (San Beda 10-0 na)

RED LIONS

Mga laro bukas:

(Filoil Flying V Centre)

2 p.m. – CSB vs SSC-R (Men)

4 p.m. – Perpetual vs LPU (Men)

TINAMBAKAN ng defending three-time champion San Beda ang Emilio Aguinaldo College, 98-66, upang mapalawig ang kanilang perfect run sa 10 games sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Umangat din ang Red Lions sa 22-0 all-time kontra Generals.

Sa iba pang laro ay naiganti ng last season’s runner-up Lyceum of the Philippines University ang first round loss sa Arellano University sa pamamagitan ng 93-90 panalo para sa 7-3 kartada kasama ang Letran, na binomba ang Jose Rizal University, 81-61, sa ikalawang puwesto.

Nagpasabog ang San Beda ng 15 three-pointers, muntik nang mapantayan ang season-high na 16 triples na kinamada ng Mendiola-based squad sa 102-56 pagbasura sa University of Perpetual Help System Dalta noong nakaraang Agosto  16.

“It was really the product of work ethic of my players,” wika ni Lions coach Boyet Fernandez. “My players really come to practice every day with the mindset that they have to improve their shooting and skills.”

Tumipa si Evan Nelle ng 13 points, 11 assists, 4 steals at 2 rebounds. Gumawa sina Cameroon’s Donald Tankoua at Clint Doliguez ng 13 points habang nag-ambag si AC Soberano ng 12 points para sa San Beda.

Napanatili ni Calvin Oftana,  nangunguna sa season MVP race sa pagtatapos ng first round, ang kanyang magandang laro para sa Lions na may 12 points, 8  rebounds at 2 assists.

Subalit ang higit na pinagtutuunan ng pansin ni Oftana, isang Du­maguete native na pumunan sa puwestong iniwan ni Javee Mocon, ay ang matulungan ang San Beda na masakmal ang four-peat.

Bukod kay Oftana, nasa kontensiyon din para sa highest individual honor sina Nelle, Tankoua at James Canlas, isang pagpapatunay sa pambihirang firepower ng Lions.

Iskor:

Unang laro:

San Beda (98) – Nelle 13, Tankoua 13, Doliguez 13, Soberano 12, Oftana 12, Canlas 9, Alfaro 8, Bahio 7, Etrata 3, Cariño 3, Cuntapay 2, Noah 1, Obenza 1, Visser 1, Abuda 0.

EAC (66) – Taywan 19, Maguliano 17, Luciano 7, De Guzman 5, Cadua 3, Mandoza 3, Carlos 3, Martin 3, Estacio 2, Gurtiza 2, Dayrit 2, Corilla 0, Boffa 0, Gonzales 0.

QS: 16-14, 54-23, 75-42, 98-66

Ikalawang laro:

LPU (93) – Nzeusseu 23, Marcelino JC. 12, Marcelino JV. 10, Caduyac 9, Navarro 9, David 8, Tansingco 6, Ibañez 5, Santos 5, Valdez 2, Yong 2, Guinto 2, Pretta 0.

Arellano (90) – Salado 21, Bayla 12, Concepcion 12, Arana 11, Oliva 11, Sablan 9, Talampas 8, Alcoriza 4, Segura 2, Gayosa 0, De Guzman 0, Espiritu 0.

QS: 23-16, 41-48, 67-67, 93-90

Ikatlong laro:

Letran (81) – Ular 17, Yu 16, Batiller 13, Muyang 10, Caralipio 6, Reyson 5, Ambohot 4, Balanza 4, Balagasay 2, Javillonar 2, Sangalang 2, Guarino 0, Olivario 0.

JRU (61) – Delos Santos 14, Amores 11, Arenal 10, Miranda 8, Aguilar 6, Dela Rosa 5, Vasquez 3, Dionisio 2, Macatangay 2, Abaoag 0, Jungco 0.

QS: 18-19, 41-34, 54-49, 81-61

Comments are closed.