TUMIPA si Nikola Jokic ng 15 points at 11 assists nang igupo ng Denver Nuggets ang Washington Wizards, 113-108, noong Huwebes ng gabi para sa kanilang ika-5 sunod na panalo.
Nagdagdag sina Paul Millsap, Gary Harris, Jamal Murray at Torrey Craig ng 15 points para sa Nuggets, na naglaro sa unang pagkakataon magmula nang kunin ang kanilang unang playoff berth sa loob ng anim na taon sa pamamagitan ng panalo laban sa Boston noong Lunes.
Walong players ang nagtala ng double figures para sa Denver.
Umiskor si Bradley Beal ng 25 points at gumawa si Tomas Satoransky ng 16 points at 10 assists para sa Washington, na natalo ng tatlong sunod.
WARRIORS 112, PACERS 89
Nagposte si Kevin Durant ng 15 points, 6 assists at 3 blocked shots upang pangunahan ang Golden State laban sa Indiana.
Pinangunahan ni Durant ang balanced attack ng Warriors, naglaro sa parehong araw na binaril at napatay ang kanyang childhood friend na si Cliff Dixon sa Atlanta. Malapit din si Warriors guard Quinn Cook kay Dixon dahil lahat sila ay nagmula sa Washington D.C./Maryland area.
Naitala ni Stephen Curry ang 12 sa kanyang 15 points na may apat na 3-pointers sa 35-point third quarter ng Warriors kung saan nalimitahan nila ang Indiana sa 19.
Gumawa si Tyreke Evans ng 20 points mula sa bench at nagdagdag si Thaddeus Young ng 18 points para sa Pacers.
HAWKS 117, JAZZ 114
Kumamada si Trae Young ng 23 points, kabilang ang go-ahead three-point play, at pinutol ng Atlanta ang five-game winning streak ng Utah.
Nanguna si Donovan Mitchell para sa Jazz na may 34 points.
PISTONS 118, SUNS 98
Tumapos si Wayne Ellington na may 23 points at nagsalpak ang Detroit ng 17 3-pointers sa panalo laban sa Phoenix.
Nagtala si Andre Drummond ng 16 points at 19 rebounds, habang nag-ambag si Blake Griffin ng 17 points, 8 rebounds at 7 assists.
Naiposte ni Devin Booker ang 20 sa kanyang 26 points sa first half para sa Suns, na natalo ng apat sa lima. Nagdagdag si Deandre Ayton ng 20 points.
TIMBERWOLVES 113, HORNETS 106
Tumirada si Kemba Walker ng 31 points, gumawa si rookie Miles Bridges ng 11 points at 12 rebounds para sa kanyang unang career double-double sa kanyang ika-21 kaarawan, at ipinalasap ng Charlotte sa Minnesota ang ika-5 sunod na kabiguan nito.
Nag-ambag si Jeremy Lamb ng 13 points at 10 rebounds para sa Hornets, na nagwagi sa ika-5 pagkakataon pa lamang sa kanilang huling 16 games.
Nanguna si Karl-Anthony Towns para sa Minnesota sa kinamadang 21 points at 16 rebounds.
KINGS 116, MAVERICKS 100
Kumana si Marvin Bagley ng 22 points at 12 rebounds sa kanyang unang laro laban kay fellow rookie star Luka Doncic nang pataubin ng Sacra-mento ang Dallas.
Naitala ni Buddy Hield ang 11 sa kanyang 29 points sa fourth quarter, at nag-ambag si De’Aaron Fox ng 15 points at 9 assists para sa Sacramento.
Comments are closed.