RED-HOT ROCKETS

James Harden-Chris Paul

NAGTUWANG sina James Harden at Chris Paul para sa 58 points at 17 assists habang nagtala si Clint Capela ng double-double nang payukuin ng Houston Rockets ang Sacramento Kings, 132-112, kahapon.

Tumapos si Harden na may 34 points at 8 assists, habang bumuslo si Paul ng 6 of 8 mula sa 3-point range at nagposte ng 24 points at 9 assists nang maitarak ng Rockets ang ika-4 na sunod na panalo at ika-7 sa kanilang huling siyam na laro.

Umiskor si Kings guard at Houston native De’Aaron Fox ng 19 points, habang ang kanyang backcourt mate na si Buddy Hield ay gumawa ng 23 points at 7 rebounds, 5 sa offensive end. Nagtala si rookie Marvin Bagley III ng 16 points mula sa bench, samantalang tumipa si Bogdan Bogdanovic ng 14, pawang sa first half.

Nalasap ng Kings ang ika-5 kabiguan sa pitong laro matapos ang surprising 6-3 start sa season.

SIXERS 122, HORNETS 119

Naisalpak ni Jimmy Butler ang isang 3-pointer habang papaubos ang oras sa overtime, at nalusutan ng Philadelphia 76ers ang career-high 60 points mula kay Kemba Walker upang igupo ang Charlotte Hornets.

Ang play ni Butler sa mga huling segundo ang naging tuntungan ng Sixers para maitakas ang panalo.

Nasupalpal niya ang tira ni Walker at naisalba ang bola sa isang teammate, may 15 segundo ang nalalabi, na nagbigay-daan para sa kanyang winning jumper laban kay Dwayne Bacon.

Tumapos si Joel Embiid na may 33 points at 11 rebounds at nagsalansan si Ben Simmons ng 23 points, 11 rebounds at 9 assists nang gapiin ng 76ers ang Hornets sa ikatlong pagkakataon ngayong season. Gumawa si Butler ng 15 points sa kanyang ikatlong laro sa kanyang bagong koponan.

Ang 60 points ni Walker ang pinakamarami sa NBA ngayong season makaraang maitala ni Klay Thompson ang 52 kontra Chicago noong Oct. 29.

CLIPPERS 127, NETS 118

Tumirada si Danilo Gallinari ng 28 points at nagdagdag si Tobias Harris ng 27 nang pataubin ng Los Angeles ang Brooklyn.

Nag-ambag si Montrezl Harrell ng 16 points at 10 rebounds nang simulan ng Los Angeles ang three-game trip sa pamamagitan ng ika-4 na sunod na panalo. Tumapos si fellow reserve Lou Williams na may 16 points at 5  assists.

Nalasap ng Nets ang ika-4 na kabiguan sa limang laro. Tumabo si Jarrett Allen ng 24 points at 11 rebounds, at nagdagdag si D’Angelo Russell ng 23 points at 10 assists.

PACERS 97, HAWKS 89

Umiskor si Bojan Bogdanovic ng 22 points, gumawa si Darren Collison ng 12 points at 5 assists at ipinalasap ng Indiana sa Atlanta ang ika-7 sunod na pagkatalo.

Kumamada si Aaron Holiday ng 12 points mula sa bench at nagtala si  Thaddeus Young ng 11 points at 7 rebounds para sa Pacers, na naglaro sa malaking bahagi ng game  na wala si All-Star guard Victor Oladipo dahil sa sore right knee.

MAGIC 130, LAKERS 117

Nagbuhos si Nikola Vucevic ng 36 points atd 13 rebounds, habang nagdagdag si D.J. Augustin ng 22 points para sa Orlando.

Umiskor si Vucevic ng 24 points sa second half at umabante ang Orlando ng hanggang 21 points upang putulin ang four-game winining streak ng Lakers.

Nakakuha ang Lakers ng 22 points mula kay LeBron James, 19 kay  Lance Stephenson at 17 kay Brandon Ingram.

PELICANS 125, NUGGETS 115

Nagpasabog si Anthony Davis ng 40 points upang pangunahan ang  New Orleans laban sa Denver.

Nasundan ni Davis ang kanyang 43-point performance sa 129-124 panalo laban sa New York noong Biyernes ng gabi nang pamunuan ang bal-anced scoring effort para sa New Orleans,  na na­nalo sa ika-5 pagkakataon sa anim na laro. Bumuslo si  Davis ng 10 for 20 mula sa field at naipasok ang 20 of 21 free throws.

JAZZ 98, CELTICS 86

Nagpakawala si Donovan Mitchell ng 28 points at 6 assists upang bumawi mula sa isa sa kanyang pinakamasamang performances sa season, at pangunahan ang Utah sa ikalawang panalo laban sa Boston sa loob ng walong araw.

Umiskor si Ricky Rubio ng 20 points para sa Utah, na winalis ang  season series. Tumipa si Rudy Gobert ng 12 points at 9 rebounds, at tumapos si Derrick Favors na may 10 points at 9 boards.

Comments are closed.