RED-HOT SIXERS

76ers

NAPANATILI ni Joel Embiid ang kanyang dominant scoring streak upang tulungan ang Philadelphia 76ers na hilahin ang kanilang winning streak sa pitong laro sa 121-82 pagbasura sa Charlotte nitong Biyernes.

Tumabo si Embiid, isa sa front-runners para sa NBA’s Most Valuable Player award, ng 38 points sa one-sided road victory.

Ang Sixers star ay may average na 35 points kada laro noong Marso at hindi umiskor ng mas mababa sa 31 sa walong laro ngayong buwan.

Ang latest tally ni Embiid ay nagmula sa 16-of-21 shooting, na may 13 rebounds at 5 fassists.

“Home or road, it doesn’t matter,” wika ni Embiid matapos ang laro. “We know what it takes offensively and defensively, everybody doing their job… tonight we did it as a team.”

Celtics 126, Blazers 112

Patuloy ang pag-ahon ng Boston sa 126-112 panalo sa road kontra Portland.

Nanguna si Jayson Tatum para sa Celtics na may 34 points, habang nagdagdag si Jaylen Brown ng 27.

Nagbuhos si Damian Lillard ng 41 points sa pagkatalo ng Portland.

Mavericks 111, Lakers 110

Isinalpak ni Maxi Kleber ang 27-foot buzzer-beater nang maungusan ng Dallas Mavericks ang Los Angeles Lakers.

Umiskor si Kyrie Irving ng 38 points — at nagbigay ng late assist para kay Kleber — upang maisaayos ang kapana-panabik na panalo para sa Dallas.

Ang pagkatalo ay naghulog sa Lakers sa 10th sa Western Conference na may 34-37 record, habang umangat ang Dallas sa sixth spot.