NAGBUHOS si Chris Paul ng 28 points at 8 assists upang tulungan ang Phoenix Suns na maitakas ang 116-113 panalo kontra host Philadelphia 76ers noong Miyerkoles.
Nagdagdag si Devin Booker ng 19 points at tumipa si Mikal Bridges ng 18 para sa Suns. Umiskor si Booker ng hindi bababa sa 30 points sa bawat laro sa huling pitong games laban sa Sixers.
Nag-ambag si Cameron Johnson ng 15 points at kumabig si DeAndre Ayton ng 10 para sa Suns (42-16), na tangan ang best road record sa liga, l19-7.
Naglaro ang Sixers (39-19) na wala sina Ben Simmons (illness), Seth Curry (hip) at Tobias Harris (knee). Ito ang ikat-long sunod na laro na lumiban si Harris.
Nanguna si Joel Embiid sa Sixers na may 38 points at 17 rebounds. Umiskor si Danny Green ng 18 pointsat nagdagdag sina Tyrese Maxey ng 14, Furkan Korkmaz ng 12 at George Hill ng 11. Kumalawit si Dwight Howard ng 11 rebounds.
RAPTORS 114,
NETS 103
Kumamada si Pascal Siakam ng 27 points at humugot ng 9 rebounds nang gapiin ng Toronto Raptors ang bisitang Brooklyn Nets, 114-103, para sa kanilang ika-4 sunod na panalo.
Tumipa si OG Anunoby ng 25 points para sa Raptors (25-34), na nagwagi sa dalawang laro kontra Nets ngayong season. Ang Raptors ay nanalo ng 11 sunod sa home games laban sa Nets.
Nagdagdag si Fred VanVleet ng 17 points para sa Raptors at nagsalansan si Kyle Lowry ng 14 points, 7 rebounds at 5 assists.
Nakalikom si Kyrie Irving ng 28 points, 11 rebounds at 8 assists para sa Nets (39-20). Nag-ambag si Bruce Brown ng 21 points at 14 rebounds mula sa bench.
Tumipa si Joe Harris ng 14 points at nagdagdag si Landry Shamet (3-for-17 mula sa floor) ng 10.
Naglaro ang Nets na wala sina Kevin Durant (thigh) at James Harden (hamstring).
Lumabas si Toronto’s Chris Boucher, nagtala ng 4 points at 7 rebounds sa loob ng 11 minuto, sa kaagahan ng fourth quarter dahil sa left knee sprain at hindi na bumalik.
NUGGETS 106,
BLAZERS 105
Kumana si Nikola Jokic ng 25 points at 9 rebounds, habang nagdagdag si Michael Porter Jr. ng 17 points upang tulungan ang bisitang ang Denver Nuggets na maitakas ang 106-105 panalo laban sa Portland Trail Blazers para sa kanilang ika-4 na sunod na tagumpay.
Nagposte si Will Barton ng 14 points at nag-ambag sina Aaron Gordon at Facundo Campazzo ng tig-12 para sa Denver (38-20). Si Austin Rivers, lumagda sa 10-day contract noong Martes, ay tumipa ng 5 points sa kanyang debut sa Nuggets.
Gumawa si Damian Lillard ng 22 points sa kanyang pagbabalik mula sa three-game absence. Nagbuhos si Norman Pow-ell ng 17 points subalit nagmintis sa buzzer na nagbigay sana sa Trail Blazers ng panalo.
Nagdagdag si CJ McCollum ng 14 points, 9 rebounds at 5 assists. Umiskor sina Robert Covington at Carmelo Anthony ng tig-12 at tumapos si Enes Kanter na may 11 para sa Portland. Nagdagdag si Covington ng 8 rebounds.
Sa iba pang laro ay pinaamo ng Sacramento Kings ang Minnesota Timberwolves, 128-125; ginapi ng Los Angeles Clippers ang Memphis Grizzlies, 117-105; namayani ang Dallas Mavericks kontra Detroit Pistons, 127-117; dinispatsa ng Cleveland Cavaliers ang Chicago Bulls, 121-105; pinatahi-mik ng Indiana Pacers ng Oklahoma Thunder, 122-116; at nadominahan ng Washington Wizards ang Golden State Warriors, 118-114.
336493 497694Yay google is my world beater aided me to uncover this outstanding website! . 719079
529608 660877Whoah this blog is magnificent i truly like reading your articles. Maintain up the good paintings! You realize, plenty of persons are looking round for this info, you could aid them greatly. 428897