RED LIONS BABAWI

Standings W L
Benilde 8 2
Letran 9 3
LPU 8 3
JRU 5 2
San Beda 6 4
Perpetual 5 6
Arellano 4 6
SSC-R 3 6
Mapua 3 9
EAC 1 11

Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – Perpetual vs Mapua
3 p.m. – EAC vs San Beda

SISIKAPIN ng San Beda na makabawi mula sa isa sa pinakamasaklap na pagkatalo sa NCAA men’s basketball tournament sa pagsagupa sa Emilio Aguinaldo College ngayon sa Filoil EcoOil Centre.

Pinapaboran ang Red Lions sa 3p.m.game dahil hindi pa sila natatalo sa Generals — nagwagi ng 24 sunod magmula nang lumahok ang season hosts sa liga noong 2009.

Galing sa 75-72 overtime win laban sa San Beda noong Sabado na bumuhay sa kanilang Final Four bid, ang University of Perpetual Help System Dalta ay umaasang madadala ang momentum sa 12 noon clash sa Mapua.

Tangan ng Red Lions ang 6-4 record sa fifth place, habang nasa likod nito ang sa 5-6 sa sixth spot.

Ang Jose Rizal University, hindi pa naglaro magmula nang gapiin ang Lyceum of the Philippines University noong October 7, ay kasalukuyang nasa No. 4 spot na may 5-2 record, mas mataas ang winning percentage (.714) kaysa San Beda (.600).

May walong laro na lamang ang nalalabi sa elimination round, kailangang makaipon ng panalo ang Red Lions upang makaabante sa Final Four sa ika-16 sunod na season.

Umaasa ang EAC, may league-worst 1-11 record, na maging kumpetitibo kontra San Beda.

Na-split ng Perpetual ang kanilang huling dalawang laro na wala si Kim Aurin, na sinuspinde dahil sa paglabag sa team rules.

Sa kabila ng pagkawala ni Aurin, nagawa ng Altas na maitala ang reversal na tumapos sa kanilang 10-game losing skid kontra Red Lions, salamat sa tbrillant efforts nina John Abis, Carlo Ferreras at Mark Omega.

Makaraan ang 0-8 simula, ang Cardinals ay nagwagi sa tatlo sa kanilang huling apat na laro, kabilang ang 77-67 pagdispatsa sa Generals noong Sabado, para mabuhay ang pag-asang makapasok sa Final 4.