AARANGKADA na ang 94th season ng NCAA ngayong Sabado sa Mall of Asia Arena kung saan host ang University of Perpetual Help System-DALTA.
Nais panatilihin ng San Beda College ang pagiging hari sa men’s senior basketball tournament. Paborito pa rin ang Red Lions lalo na sa pagbabalik nina Robert Bolick, Javee Mocon at finals MVP Donald Tankoua ng Cameroon habang na-recruit nila ang mahusay na guard ng Beda-Taytay na si Evan Nelle. Sa unang pagkakataon ay wala sa line up sina Davon Potts na kasalukuyang nasa Alaska Aces sa PBA at Arnaud Noah.
Masusubukan agad ang kalibre ni coach Frankie Lim ng Perpetual na siyang bagong head coach ng naturang unibersidad laban sa San Beda ni coach Boyet Fernandez. Sa main game naman ay mapapanood ang bakbakan ng Lyceum of the Philippines University na pangungunahan ni MVP CJ Perez at ng San Sebastian College Recoletos na dadalhin ni Michael Calisaan.
Ang mga laro ay mapapanood ng live sa ABS-CBN S+A HD, pati sa live streaming sa sports. Ang panel ay binubuo nina Andrei Felix, Anton Roxas, Martin Antonio, Martin Javier at Migs Bustos, kasama ang alamat ng collegiate basketball na si L.A Tenorio. Makakasama rin ngayong season ang barkada ng Upfront na sina Janeena Chan, Angelique Manto, Turs Daza, Martin Javier, Ricci Rivero at Alyssa Valdez upang kilalanin nang husto ang mga atleta sa NCAA.
Inanunsiyo ni NCAA president Anthony Tamayo ng Perpetual Help ang pagbisita ng NCAA TOUR sa July 12 sa Jose Rizal gym, July 19 sa Arellano U gym, July 26 sa Emilio Aguinaldo gym, August 2 sa Letran-Calamba gym at August 8 sa Perpetual Help. Siyempre ay mananatiling commissioner ng liga si Bai Cristobal na makatutulong ang referees ng Maharlika Pilipinas Basketball League.
Marami ang namangha sa laro ng Gilas Pilipinas at Australia na nauwi sa rambulan. Siyam na players ng Gilas ang na-eject sa laro, hindi kasama sina June Mar Fajardo, Baser Amer at Gabe Norwood. Waiting na lang ang resulta ng FIBA kung ano ang kanilang ipapataw na parusa sa mga sangkot sa kaguluhan noong Lunes ng gabi sa Philippine Arena.
Comments are closed.