Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
12 noon – SSC-R vs Perpetual (Men)
2 p.m. – CSB vs Mapua (Men)
4 p.m. – JRU vs Arellano (Men)
SINAMANTALA ang pagkawala ni Lyceum of the Philippines University Cameroonian slotman Mike Nzeusseu, dumiretso ang San Beda sa Finals sa pamamagitan ng 85-62 panalo sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.
“It dampened our celebration but still, 18-0 is still 18-0. We cannot take it away from this team. And you cannot take away that from my players,” wika ni coach Boyet Fernandez makaraang makumpleto ng Lions ang kanilang unang double-elimination round sweep magmula noong 2010.
Sa pagkopo ng San Beda sa outright championship berth, ang semifinals ay magkakaroon ng step-ladder format – isang pares ng knockout games simula sa Nob. 5 na magdedetermina sa isa pang finalist.
Ang Pirates, tumapos sa ikalawang puwesto na may 13-5 kartada, ay makakakuha ng bye at maglalaro sa second step-ladder match.
Humabol ang Letran mula sa 19-point first half deficit upang gapiin ang sibak nang Emilio Aguinaldo College, 87-79, at pormal na kunin ang No. 3 ranking na may 12-6 kartada.
Hindi alam kung sino ang makakasagupa ng Knights sa unang step-ladder.
Sisikapin ng San Sebastian, may 10-7 marka, na maisaayos ang showdown sa Letran sa pamamagitan ng panalo kontra University of Perpetual Help System Dalta ngayong alas-12 ng tanghali sa pagtatapos ng elims.
Sa pangunguna nina rising stars Calvin Oftana, Evan Nelle at James Canlas, nakahanda ang Lions na ipagpatuloy ang kanilang legacy.
“Sa totoo lang, when we started our preparations in the NCAA, last January, we read an article (in a school paper) that I told these guys. That this team will not go anywhere because we lost Robert and we lost Javee. And we have a chance of making it to the Finals again,” wika ni Fernandez.
“I showed them. Even our own community has been challenging us for this. And I know that we are young. Yes it’s true that we are young. But I think, I believe that the players believed on our system. They believed on that. They embraced the system,” dagdag pa niya.
Nagbuhos si Cameroon’s Donald Tankoua ng 26 points, 8 rebounds at 2 blocks, habang nagdagdag si Oftana ng 18 points, 10 boards, 2 blocks at 2 assists para sa San Beda.
Iskor:
Unang laro:
Letran (87) – Muyang 22, Balanza 20, Batiller 15, Yu 10, Ular 8, Ambohot 6, Reyson 4, Mina 2, Caralipio 0, Balagasay 0, Sangalang 0, Pambid 0.
EAC (79) – Mendoza 26, Maguliano 13, Gurtiza 9, Taywan 8, De Guzman 6, Luciano 6, Estacio 4, Corilla 3, Martin 3, Cadua 1, Gonzales 0, Carlos 0, Boffa 0.
QS: 14-25, 30-41, 56-55, 87-79
Ikalawang laro:
San Beda (85) – Tankoua 26, Oftana 18, Canlas 17, Doliguez 5, Soberano 5, Abuda 5, Nelle 4, Cariño 4, Bahio 1, Alfaro 0.
LPU (62) – Marcelino JC. 17, Santos 12, Guinto 6, Navarro 6, Valdez 6, Remulla 5, Caduyac 4, Ibañez 4, Marcelino JV. 2, David 0, Tansingco 0, Yong 0
QS: 20-17, 48-36, 66-49, 85-62
Comments are closed.