Mga laro sa Huwebes:
(Filoil Flying V Centre, San Juan)
10 a.m.- LPU vs EAC (jrs)
12 nn.- JRU vs MU (jrs)
2 p.m.- LPU vs EAC (srs)
4 p.m.- JRU vs MU (srs)
NALUSUTAN ng San Beda ang mainit na paghahabol ng Letran sa fourth quarter upang maitakas ang 74-68 panalo at mapatatag ang kapit sa ikalawang puwesto sa 94th NCAA basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Nasayang ng Red Lions ang 22-point lead, mahigit anim na minuto ang nalalabi sa final period, nang magpakawala ang Knights ng 23-2 run na tumapyas sa kalamangan sa 69-68, may 16.8 segundo sa orasan.
Sa pagkaka-foul out ni Robert Bolick, sumandal ang San Beda kina Franz Abuda, na na-split ang kanyang charities, at Jomari Presbitero, na humugot ng krusyal na offensive rebound at nakakuha ng foul para sa dalawang pressure-packed foul shots upang selyuhan ang panalo.
Naisalpak ni Bonbon Batiller ang isang tres upang tuluyang gumuho ang pag-asa ng Knights na makumpleto ang dramatikong paghahabol.
“If we’d lost that game, I would have taken the blame because it was really my fault,” wika ni San Beda coach Boyet Fernandez.
Sa ikalawang laro, naging sandigan ng San Sebastian ang foul shot ni Michael Calisaan at ang nullified basket ni Justin Gutang upang maungusan ang College of St. Benilde, 66-65.
Ito ang ikalawang sunod na panalo at ikatlo sa kabuuan ng Stags laban sa siyam na talo.
Makaraang maisalpak ni Calisaan ang unang free throw at sumablay sa ikalawa upang bigyan ang Stags ng one-point edge, tila naipasok ni Gutang ang buzzer-beating, game-winning shot.
Subalit, matapos ang paulit-ulit na pagrebyu gamit ang iba’t ibang video replay angles, pinawalang-bisa ng game officials ang tira dahil hawak pa ni Gutang ang bola nang maubos ang oras.
Iprinotesta naman ng Blazers, sa pamamagitan ni captain Yankie Haruna, ang laro. Nalaglag ang CSB sa 7-4 kartada.
Iskor:
Unang laro:
San Beda (74) – Tankoua 19, Bolick 13, Mocon 12, Abuda 7, Doliguez 7, Oftana 4, Presbitero 4, Cuntapay 3, Nelle 3, Soberano 2, Canlas 0, Cabanag 0, Carino 0, Tongco 0.
Letran (68) – Quinto 19, Calvo 16, Muyang 11, Fajarito 10, Batiller 6, Ambohot 3, Taladua 3, Balagasay 0, Yu 0, Agbong 0, Celis 0, Mandreza 0, Galvelo 0.
QS: 16-15; 35-32; 60-42; 74-68
Ikalawang laro:
San Sebastian (66) – Calisaan 18, Ilagan 11, Bulanadi 10, Capobres 10, Calma 6, Dela Cruz 5, Are 2, Valdez 2, Villapando 2, Desoyo 0, Isidro 0, Sumoda 0.
College of St. Benilde (65) – Gutang 25, Leutcheu 9, Dixon 8, Carlos 7, Haruna 7, Young 5, Belgica 3, Nayve 1, Naboa 0, Pasturan 0.
QS: 17-12; 36-34; 53-42; 66-65.
Comments are closed.