BINURA ng San Beda Red Lions ang twice-to-beat advantage ng second-seed Lyceum of the Philippines University, 82-72, upang maisaayos ang finals showdown sa Mapua University sa NCAA men’s basketball tournament kahapon.
May pagkakataon ngayon ang San Beda na makabawi makaraang hindi umabot sa finals ng Season 97 at 98, na tumapos sa kanilang championship appearances magmula noong 2006.
Nagbida sina Jomel Puno at James Payosing, kapwa may double-double performances, para sa San Beda sa kinamadang tig-10 rebounds at 18 at 15 points, ayon sa pagkakasunod.
Nanguna si Lyceum’s Enoch Valdez sa lahat ng scorers na may 28 markers at humugot ng 7 rebounds – subalit hindi sspat para maitakas ang panalo.
Kinailangan ng San Beda na malusutan ang Lyceum, na may semis bonus, sa dalawang laro.
Pinuri ni San Beda head coach Yuri Escueta ang Lyceum na impresibo sa buong season, at tumapos bilang second-seed (13-5).
“I want to commend LPU. They really played (well), grabe ‘yung season nila. They really made it hard for us this playoffs,” sabi ni Escueta sa postgame interview.
“Good job to coach Gilbert (Malabanan) and the players. Grabe effort and energy nila, ibang klase,” dagdag pa niya.
Nakatakda ang Game 1 ng NCAA Finals sa Miyerkoles, December 6, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Iskor:
San Beda (82) – Payosing 18, Puno 15, Gonzales 11, Andrada 10, Cuntapay 9, Cortez 7, Jopia 6, Tagle 3, Visser 3, Alfaro 0
LPU (72) – Valdez 28, Bravo 16, Guadana 8, Barba 7, Cunanan 6, Villegas 4, Omandac 3, Montano 0, Umali 0, Penafiel 0
QS: 26-17; 41-38; 66-56; 82-72.