RED OCTOBER NA NAIS PABAGSAKIN SI PDU30 ‘TRINATRABAHO’ NA NG AFP

CAMP AGUINALDO – HINAHANAPAN ng ebidensiya ng Armed forces of the Philippines (AFP) para kasuhan ang grupo o mga indibidwal na kabilang sa nagpaplanong mapatalsik sa puwesto si ­Pangulong Rodrigo ­Duterte o tinaguriang Red October.

Ayon kay AFP Spokesperson B/Gen. Edgard Arevalo, kasama nila ang iba pang ahensya ng gobyerno na nagsasagawa ng imbestigasyon para makahanap ng sapat na ebidensya.

Una nang tinukoy ni Pangulong Duterte na pakana ng Communist Party of the Philippines,  New People’s Army, National Democratic front o CPP NPA NDF at Grupo nila Senator Antonio Trillanes IV ang panghihikayat para mapatalsik siya sa puwesto.

Sa ngayon aniya bumuo na sila ng National Task Force For Ending Insurgency na ang layu­nin ay pagsama-samahin ang mga ahensya ng gob­yerno na posibleng may maitulong para matapos na ang problema sa insurgency.

Halimbawa na lamang ang usapin sa trabaho at kahirapan na madalas idaing ng mga rebelde kayat dapat lamang na tugunan ng DOLE at DSWD at hindi lamang ang militar.

Sinadya  naman daw ng AFP na ipaalam sa publiko ang mga planong pagpapatalsik sa pangulo.

Ito ay upang alam ng Filipino ang mga kaganapan sa kasalukuyan. REA SARMIENTO

Comments are closed.